Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 99 GREG POV (AKB) "Maniwala kayo, itong ganda kong ito magsisinungaling? Sinabi sa akin ni Pollie na balak sakupin ni Neagan ang compound. Gusto niyang magkaroon ng war! Believe, ako ay isang Hiyas ng Dalampasigan kaya nag sasabi ako ng totoo," ang wika ni Dante habang naghihintay kami Raul na noon ay nagbibihis ng tuxedo para sa kanilang formal na reunion. "Dudurugin ko pa mukha ng gago na iyon e. Saka hindi kami natatakot sa kanya. Bakit ba nagpapaniwala ka dyan sa Pollie na iyan? Baka maya maya ay spy pa iyan," sagot ni Raul habang nakaharap sa salamin at nag aayos ng kohelyo at bow tie. "Huwag ka na makipag away dahil magkakaanak na kayong dalawa ni Sabmarin, sige ka baka lumaking wala kilalang tatay yung anak mo," ang wika ko. "Anak