Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 107 ERNEST POV (TLP) "Nasaktan ka ba?" tanong sa akin ni Gomer noong pauwi kami galing sa presinto. Tahimik lang ako noong mga sandaling iyon. Kumakabog pa rin kasi ang aking dibdib at wala akong magawa kundi ang ibaluktot ang aking tuhod sa upuan at yakapin ito. Huminto si Gomer sa pag ddrive at niyakap ako. "Natakot ka ba?" tanong niya. Yumakap rin ako sa kanya at saka naiyak. "Sobra," ang sagot ko. "Sobrang nag-alala lang ako sa iyo. Ayoko na ulit makikita kang nakikipag away. Please." "Sorry kung nag-alala ka. Hindi na mauulit iyon," ang bulong sa akin ni Gomer, hinalikan niya ako sa labi at niyakap ng mahigpit. Ipinagpatuloy niya ang pag ddrive pauwi sa bahay at halos alas 5 na rin ng umaga noong mga sandaling iyon. Pagdating sa bah