Alyas Kanto Boy 2 The Reunion Season 2 AiTenshi Part 54 RAUL POV (AKB) "Yes pa, everything is going well. Yung ibang supply ay may mga dents at gagas kaya ipinabalik ko sa supplier, siguro ay sa pagkakadeliver. Don't worry everything is good. Kailan po balik niyo? Pinareremind ni mama yung anniversary niyo," ang wika ko sa kabilang linya habang kausap si papa, ang ibig kong sabihin ay ang papa ni Greg na may ari ng company kung saan ako nagtraining at nagwork. "Ok sige pa, ingat dyan sa Dubai, see you soon," tugon ko pa sabay baba ng telepono. Aktong bumukas naman ang pinto ng opisina at ay pumasok ang secretary. "Sir Robles nandito po sa lobby si Mr. Escaler," ang wika nito. "Paakyatin niyo na lang dito sa itaas. Thank you," ang tugon ko. "Sige po Sir, kaso po nagkakagulo yung mg