bc

May Dalawang Ako

book_age18+
992
FOLLOW
6.8K
READ
arrogant
boss
drama
tragedy
twisted
sweet
heavy
straight
realistic earth
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

Warning: SPG, 18+, MATURE CONTENT, NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS

Dahil sa matinding trauma at mga masamang pinagdaanan ay nangarap si Athena ng isang perpektong buhay. Hindi niya akalain na sa kagustuhan niyang matakasan ang kaniyang nakaraan ay nakalikha siya ng isa pang siya sa katauhan ni Katsumi.

Panandaliang nawala si Athena at namuhay ng marangya at masaya si Katsumi sa piling ng mabait na mag asawang kumupkop sa kaniya.

Nang bumalik si Athena ay wala siyang kaalam-alam na may dalawa pala siyang personalidad.

Sa lahat ng nangyayari sa kaniya na pagpapalit ng katauhan ay may isang lalake ang lihim na nakakasaksi nito. Isang lalake ang nakakaalam ng kaniyang sekreto. Siya si Rafa Ilustre na sa una palang nilang pagkikita ni Katsumi ay nabighani na agad sa ganda ng dalaga. Nang makuha niya ang pagkab*bae nito ay nagising ang s*xual desire ni Katsumi dahilan para maging agresibo ito at maghangad ng higit pa.

Handang magpaalipin sa kaniya sa kama si Rafa huwag lang itong sum*ping sa iba. Ginagawa niya iyon upang iligtas si Athena at huwag masira ang buhay nito. Mas inibig niya si Athena kaysa kay Katsumi dahil sa magaganda nitong katangian at busilak na puso.

Kinamumuhian ni Katsumi si Athena dahil inagaw nito ang lahat nang para sa kaniya. Gagawin niya ang lahat para sirain ito at maging miserable ang buhay nito.

Pilit kinumbinsi ni Rafa na magpagamot si Athena sa isang psychiatrist, iyon lang ang tanging paraan para mawala si Katsumi sa isip niya.

Magtagumpay kaya si Athena?

Manaig kaya ang pagmamahalan nila ni Rafa kahit marami ang humahadlang sa kanila?

chap-preview
Free preview
Prologue
Nagising ako sa hindi maipaliwanag na lamig na humahaplos sa buo kong katawan. Napabalikwas ako nang bangon ng ako'y maalimpungatan, nagtatakang inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Hindi pamilyar ang lugar sa akin. Narito ako ngayon sa loob ng isang marangyang silid na madalas sa mga pelikula ko lamang nakikita. Nanunuot ang lamig ng aircon, ang kilabot na dulot nito sa aking hubad na katawan ay gano'n na lamang. Napamulagat ako at bigla na lang natauhan ng mapagtanto kong wala ako ni isang saplot sa aking katawan at sa pagkagimbal ko ng ako'y mapabaling sa aking gawing kanan ay nalaman kong hindi lamang pala ako ang nasa loob ng marangyang silid na iyon. Sa aking tabi ay may isang matipunong lalaki na mahimbing na natutulog nang nakadapa at katulad ko ay wala rin itong saplot sa kanyang katawan, natatakpan lamang ng puting kumot ang pang-ibabang bahagi nito. Umusog ako at nagsumiksik sa gilid ng malaking kama, nagmamadaling binalot ko ng husto ang ang aking sarili ng kumot na aking napulot sa ibaba ng higaan at sa aking gulat ang puting-puting higaan ay may bahid ng natuyong dugo. Hindi ko alam kung bakit may dugo ito at kung saan nanggaling ang dugong iyon. Alas kuwatro ng madaling araw ang nakasaad sa orasan na nakasabit sa dingding nang mahagip ito ng aking mga mata. Nasaan ako at sino ang lalaking ito na aking kasama? Ang daming katanungan ang bumabagabag sa akin na hindi ko kayang sagutin dahil ako mismo ay sobrang naguguluhan na sa mga nangyayari. Ang huling pagkakatanda ko ay nang umuwi ako matapos ang maghapong paghuhugas ng pinggan sa restaurant ng aking Tita Emilia. Agad akong dumiretso sa aking silid upang magpalit ng damit pambahay at inilapat ang aking patang katawan sa aking higaang papag. Hindi ko namalayan pero ang huling alaala ko ay nang bigla nalang akong dalawin ng matinding antok na para bang hinahatak ako patungo sa kung saan at hindi ko na ito mapigilan. Kinurot ko ang aking kanang braso, isinunod ko naman ang aking kaliwa, nagbabakasakali na ang sakit na dulot niyon ay gigising sa akin sa isang malalim na panaginip. Ngunit, ramdam ko man ang matinding sakit na dulot nang ginawa ko sa aking sarili ay hindi parin sapat upang ako ay maniwala. Kung gayon ay hindi ito isang panaginip. Matapos kong huminga nang malalim ay pinag-isipan kong mabuti. Hindi nga ako nanaginip, ito ay totoong nangyayari. Naagaaw ang atensyon ko ng aking katabi, nabaling ang tingin ko rito. Abot-abot ang aking kaba nang bigla na lang kumilos ang estrangherong lalake. Ang buong akala ko ay magigising na ito ngunit laking pasalamat ko nang makita ko na nagpalit lamang ito nang posisyon. Hindi ko maiwasang titigan ang napakaamo nitong mukha na ngayon nga ay nakaposisyon patagilid at nakaharap sa akin. Parang nahihipnotismong pinakatitigan ko ito na para bang kinakabisado ang bawat parte ng mukha nito. Matangos ang ilong, makapal ang mga kilay na bumagay sa hugis puso niyang mukha, manipis at mapula ang kanyang mga labi. Para bang may kakaibang kiliti akong nadarama habang pinagmamasdan ko ang kabuan nito na animo'y nililok ng isang magaling na iskultor. Ang perpekto nitong katawan ay maihahalintulad sa Greek Goddess na Zeus. Napapilig ang aking ulo. Hindi ito ang tamang oras para makaramdam nang matinding paghanga sa taong ngayon ko lamang nakita. Kailangan ko nang umalis, hindi ako maaring abutin ng umaga sa lugar na ito, siguradong hahanapin ako ni Tita Emilia, magagalit ito nang husto sa akin kapag nakita niyang wala ako sa aking silid. Dali-dali akong bumangon sa kama, hinagilap ko ang aking damit sa mga nagkalat sa sahig. Palaisipan sa akin kung bakit kahit anong hanap ko sa bulaklaking blusa at puting palda na lagpas tuhod na tanda kong aking suot bago ako makatulog ay wala sa mga nagkalat na damit na nasa sahig, kaya naman naghagilap na lang ako ng maaring maisuot at sa aking paghahanap ay may nakita akong asul at mukhang mamahaling bestida na nakasampay sa upuang bakal kasama ang isang itim na bra at itim na panty. Wala akong pagpipilian kaya naman napilitan akong isuot ang mga iyon at sa pagtataka ko ay sukat na sukat ang mga ito sa akin na para bang ako talaga ang nagmamay ari. Hindi ako mapakali dahil hindi ako kumportable sa suot kong maiksing damit na hapit na hapit sa aking katawan. Ni sa panaginip ay hindi ko naisip na magsusuot ako ng ganito kaseksing kasuotan. Isang silver na sapatos na may mataas na takong ang nakapatong sa ibabaw ng sofa kasama ang gintong maliit na bag na hindi ko alam kung ano ang tawag. Mabilis akong nagtungo roon, kinuha ang napakagandang sapatos at isinuot sa aking mga paa at kagaya ng inaasahan ay sukat na sukat din ito sa akin. Kinuha ko ang maliit na bag at binuksan, cellphone at makapal na wallet ang laman niyon. Isinara ko ang bag at isinampay sa aking balikat ang tangkay nito. Kailangan kong makaalis bago pa magising ang estrangherong lalake. Ngunit, bago ako tuluyang lumabas ay muli ko itong sinulyapan. May isang bahagi rito sa utak ko na gusto pa siyang titigan at manatili pa sa tabi nito. Ngunit, may isang bahagi naman ng utak ko na pumipigil sa akin na gawin iyon at nag uutos na kailangan ko na siyang iwan. Mas nanaig ang huli kaysa una kaya naman dali-dali kong nilisan ang silid na iyon at lumabas ng gusali. Nahihirapan mang maglakad sa suot kong sapatos na may mataas na takong ay sinikap kong makapaglakad ng maayos hanggang makarating sa lugar kung saan pwede akong mag abang nang masasayan. Tamang-tama naman at may dumaang taxi sa aking harapan at agad ko itong pinara. "Manong, pwede po bang pakihatid ako sa Bulacan, " pakiusap ko kay manong driver ng ako ay makapuwesto na nang upo sa back seat. "Naku! Medyo malayo iyon, ineng. May kamahalan ang sisingilin ko sa'yo," ani manong driver na sinilip pa ako sa rearview mirror. "Oh, okay lang po," alanganing sagot ko dahil ang totoo ay wala naman akong pera ngunit, nang maalala ko ang maliit na bag na nakasabit sa aking balikat ay agad ko iyong binuksan at kinuha ang brown na wallet sa loob niyon. Halos lumuwa ang mata ko nang mabuksan ang pitaka at tumambad sa akin ang napakaraming perang laman niyon. Makapal na bungkos ng perang papel na sa tantiya ko ay hindi bababa sa isang daang piraso at nagkakahalaga ng isang libo ang bawat isa. "Sige po, manong, magbabayad po ako kahit na magkano basta ihatid n'yo lang po ako sa Bulacan." Buhat sa pagkakayuko ay hinarap ko ito. Ngayon ay mataas na ang kumpiyansa ko sa aking sarili. "Gano'n naman palang nagkakasundo tayo sa bayaran, kahit saan mo pa gustong pumunta ay maari kitang ihatid," sabi ni manong na kita ko ang kasiyahan sa kanyang mukha. Alam kong mali ang makialam ng gamit na hindi ko naman pag aari, pinangako ko na lang sa aking sarili na papalitan kung magkano man ang perang mababawas ko sa wallet na ito. "Nasaan ho ba tayo ngayon?" Hindi ko maiwasan ang magtanong dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar. "Nasa Makati tayo, ineng," maagap na sagot ni manong driver. "Huh! Makati? Paanong napunta ako sa lugar na ito?" bulong ko sa aking sarili. Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip, kahit anong gawin ko ay wala akong maalala sa mga nangyari. _ Halos dalawang oras ang naging biyahe ko bago itinigil ni manong ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Tita Emilia kung saan ako nakatira. Inabutan ko ng dalawang libong piso si manong at tuwang-tuwa naman ito, nagmamadaling pinaarangkada ang kanyang sasakyan at nag iwan pa ng makapal na usok. Nagpapasalamat ako at nakalimutan nilang i-lock ang gate kaya naman malaya akong nakapasok. Pagkatapos isara iyon ay ako na mismo ang nagkandado. Mahirap nang magising si Tita Emilia at malaman na hindi pala naisara nang maayos ang gate, siguradong ako na naman ang kagagalitan nito. Dumaan ako sa likuran ng bahay kung saan naroon ang aking silid. Ang totoo ay isa itong bodega, nilinis ko lang para mayroon akong matulugan, sa katunayan nanatili pa sa loob ang mga tambak na gamit nila Tita Emilia, nilagyan ko lamang ng maliit na papag para kahit paano ay maging komportable ako sa aking pagtulog. Nakahinga ako nang maluwag ng tuluyan akong makapasok sa aking silid. Agad kong hinubad ang suot kong sapatos at itinabi iyon sa ilalim ng aking papag, minasahe ko ang nanakit kong mga paa. Nagulat ako nang masilayan ko ang aking sarili sa salamin nang hindi sinasadyang mabaling ang tingin ko rito. Isang napakagandang babae ang nakikita ng aking mga mata. Hindi ko ito lubos na makilala dahil sa makapal nitong make up at ngayon ko lang napansin na ang itim na itim at halos umabot na sa baywang kong buhok ay maiksi na ngayon na halos hanggang balikat na lamang. May kulay ito na hindi ko alam kung ano ang tawag. Kinapa-kapa ko iyon ngunit natusok ang aking anit ng mahahaba kong kuko. Pinagmasdan kong mabuti ang aking mga daliri, may kulay pulang cutics at may disenyo pang bulaklak ang mahahaba kong mga kuko. Nakapagtatakang magkaroon ako ng ganito kahabang kuko samantalang maghapon akong naglilinis sa kusina ng restaurant at naghuhugas ng mga plato. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin at halos hindi ko na makilala ang aking sarili. Nang tangkain kong umupo sa aking higaan ay nakaramdam ako nang pananakit ng balakang lalo na ang pagitan ng aking mga hita. Natatakot na ako sa nangyayari sa akin. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagising ako sa ibang katauhan. Maraming beses ng nangyari sa akin ang ganito ngunit napapansin kong nangyayari lamang iyon kapag sobra na ang aking pagod. Gusto kong malaman kung sino ang babaeng iyon. Kung ang sarili ko ba talaga ang aking nakikita o may ibang tao akong kasama. Ngunit, paano?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook