Chapter 26

1697 Words

UNTI-UNTI nang nawawalan ng pag-asawa si Ninia. Iginugupo na siya ng takot at kaba at anumang oras pakiramdam niya ay mag-co-colapse na siya. Alam niyang wala siyang kalaban-laban sa taglay na lakas si Vaughn. Bukod sa lalaki ito ay malaking tao pa. Mukhang ito na yata ang katapusan niyang talaga. Mukhang dito na mamamatay sa kamay ng lalaking nag-akala na siya ang kakambal. Sukat sa isiping iyon ay napaiyak siya. Hindi na yata siya makakabalik sa mga magulang. Sa mahal na mahal niyang mga magulang. Hindi na yata niya makikita ang mga susunod na branches ng cafe nila ni Mica na inuumpisahan na sana nilang planuhin. At higit sa lahat ay si Alexis. Hindi na yata siya makahihingi ng tawad dito sa pagsisinungaling na ginawa niya. Hindi na yata niya maipaaalam dito na hindi man siya si Nancy ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD