HINDI akalain ni Ninia na magiging ganoon kabilis ang lahat. Ang akala niyang namatay ng damdamin kay Alexis ay muling nabuhay at napagtanto niyang nakatago lang pala sa kubling bahagi ng kangyang puso. Kanina bago ito umalis ay isang pangako ang iniwan sa kanya ng alkalde. Nangako itong kakausapin nito si Travis kung iyon daw ang inaalala niya. Hindi rin ito tumigil hanggang hindi niya sinasabing hindi pa ito tuluyang nawawala sa puso niya. "Kahit naman sabihin mong hindi mo na ako gusto, hindi pa rin ako maniniwala. Hindi mo naman tatanggapin ang halik ko kung may laman ng iba ang puso mo," naalala pa niyang sabi ni Alexis kanina na sinuklian lang niya ng pamatay na irap. Kahit kailan talaga ay sigurado ito sa lahat ng bagay na sinasabi at iniisip, at doon siya hanga sa alkalde. Ni min