DECEMBER JANICE TRINIDAD “DITO muna tayo mag-i-istay nang anak mo,” sabi ni Vaughn sa akin habang nililibot ang mata niya sa isang maliit na abandonadong bahay. Maliit nga ito pero mas maigi na ang ganitong bahay kesa naman sa kasama ko si Raphael sa isang malaki ngang bahay pero ‘di ko naman sigurado ang kaligtasan namin nang anak ko. “I got this place at cheap price, pero saglit lang tayo na mananatili dito sabi nang tutulong sa atin. They will do their best para mapakulong si Raphael at ang kapatid niya,” sabi niya muli sa akin at inilapag niya ang mga gamit namin. “But it’s best kung ‘di muna kayo lalabas masiyado ni Baby Rafa. "Manatili lang kayo rito,” dagdag niya muli sa akin. Napatingin ako kay Vaughn, I always wanted to run away with him , yung kaming dalawa lang pero bakit nga

