DECEMBER JANICE TRINIDAD “ARE YOU READY, December?” tanong sa akin ni Kuya Phoenix ng makapasok ako sa loob ng sasakyan, nandoon din si Raphael na walang kibo sa tabi ko. Bakit ba kasi tumabi sa akin ‘to e! Sipain ko kaya siya. “Pwede bang wag na lang tayo pumunta sa clinic ha?” tanong ko kay Kuya Phoenix. “But we need to, ‘di naman magdududa ang mga tao kapag pupuna ka do’n. I made sure that we are alone in this appointment. Kung inaalala mo ay ang mga taong maaring makakilala sa’yo, don’t worry. Ang aakalain nila na pupuntahan mo lang ay si Cleve. Kaya huwag ka nang magdalawang isip pa, para ‘to sa anak niyo,” sabi niya sa akin tumango na lang ako sa kaniya at napatingin kay Raphael na nakaheadset lang sa tabi. "Ikaw samahan mo si December mamaya,” sabi ni Kuya Phoenix sa k

