Prologue

1063 Words
“HAVE s*x with that business man, kapalit ng kalayaan mo.” Awang ng labi ang nagawa ko matapos na makita ang lalaking tinuro niya. “A-ayoko.” Talagang ayaw ko dahil kahit sino sa mga kasamahan ko ang pinapatulan niya. Kilalang-kilala ko na siya. Paano kung may sakit na siya? Eh 'di kawawa ako. "H-hindi ba ako pwedeng mamili?" dugtong ko pa. Saglit na nag-isip si Ronald. Bumuga pa siya sa usok mayamaya. “Okay. Make sure na mag-e-enjoy ako.” Sabay tayo niya. Nagsunuran na rin ang mga alalay niya. Siya si Ronald Dela Fuente, ang may-ari ng club na pinagtatrabahuhan ko. Isa ako sa mga babaeng sumasayaw sa entablado na dalawa lang ang saplot. Hindi man kaayaaya at mababa sa paningin ng iba, pero ito ang kinabubuhay ko. Sa pamamagitan ng aking pagsayaw, nakakabayad ako ng utang at nakakakain ako ng tatlong beses, may meryenda pa. Wala pang bumubunganga sa akin na wala akong silbi. Tumayo na rin ako para maghanda na sa aking number. Pangatlo akong sasalang kaya dapat na magbihis na ako. Hindi pa man ako nakakahakbang nang mapatingin sa lalaking pababa ng ground floor. Seryoso lang siya na humahakbang. As usual, walang ngiti sa labi niya gaya nang makita ko siya nakaraang linggo. Pero hindi naman nakabawas sa kanya iyon, nagsusumigaw pa rin ang pagiging magandang lalaki niya. Pero mas magiging kaakit-akit siya lalo kapag ngumiti siya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglipat nang tingin ng mga babaeng may kapares na sa lalaking iyon. May kumaway pa pero hindi niya iyon pinansin, naupo lang siya sa upuan, na nakaharap sa stage. “Charlie, kanina ka pa hinahanap ni Madam!” Pinalis ko ang tingin ko sa lalaki, binaling ko sa kasamahan kong si Flora. “Papunta na!” Nagmadali na ako na umalis. Hindi ko na nagawang lumingon sa lalaki dahil baka magalit si Madam. Nakaayos naman ako kaya bihis na lang ang inaasikaso ko. Malapit nang sumalang ang unang sasayaw sa amin. Sanay na ako kaya taas noo ako nang lumabas sa tabing na iyon nang ako na ang sumalang. Sinabayan ko rin ang senswal na tugtuging iyon habang nakatingin sa lalaking kumuha ng aking atensyon mula pa nakaraang linggo. Kita ko ang panay na lagok niya habang pinapanood ako. Bawat haplos ko sa katawan ko ay sinusundan niya nang tingin. Nahuli ko siyang napalunok na rin ng laway dahil sa ginawa kong pag-split at buka ng aking hita para sa next step. Naubos niya ang alak na nasa baso niya kaya siguro laway ang nalunok niya. Bago ako matapos sa pagsayaw ay nakita kong tinuro niya ako sa bouncer, pero inilingan siya ng kausap. Gusto ba niya akong mai-table? Kung ganoon, ito na ang pagkakataon ko. Siya ang gusto ko! Siya ang magiging daan ko para makalaya! Pero dahil hindi naman ako pwedeng i-table ng kung sino-sino at talagang iilingan siya ng bouncer. Nanghinayang tuloy ako. Pero baka pwedeng ipaalam kay Ronald, siguradong papayag siya. Sadyang nilandian ko ang ngiti at galaw ko pagkatapos ng aking numero, hindi man ako ang pinaka-highlight ngayong gabi, pero maraming gusto akong ikama, bawal nga lang. Mahal ang presyo ko ayon kay Ronald, kaya hanggang table lang sila sa akin. Kaso pili lang din kung sino ang gusto kong maka-table. Pinatungan ko lang manipis na damit ang aking katawan bago lumabas ng dressing room namin. Kailangang mahanap ko ang lalaking iyon. Sumilip ako sa pintuan na iyon bago lumabas. Nakita ko na ang hinahanap ko kaya pumasok ako roon. Nagtinginan sa akin ang mga naroon maliban sa kanya. Tumayo siya at mukhang paalis na. Kaya naman nagmadali ako na lumapit sa kanya. Kaso, sobrang bilis ng kilos niya. Papunta pala siya ng banyo. Ilang beses akong lumingon sa banyo ng mga lalaki. Hindi pa rin ito lumalabas. Ito na lang ang natira dahil may naglabasan na, e. Nagpakawala ako ng buntonghininga bago pinihit ang seradura ng banyong iyon. Siya ang aking daan para makawala sa club na ito. Pinayagan na ako kaya hindi ko dapat sayangin iyon. Magandang balita ito para sa amin ng aking Tiyuhin. Hindi ko akalaing may tao pa pala sa loob ng banyong iyon maliban sa lalaking sadya ko. Napabaling tuloy ang mga umiihi sa akin maging ang lalaking iyon na nakasandal sa lababo. “Hi, Miss!” Napaiwas ako nang tingin nang bumaling ang isang umiihi, hindi man lang pinasok muna sa pantalon ang al4ga nito. “Kailangan mo ba kami, Miss?” anang isa pa kaya napaatras na ako. Akmang isasara ko ang pintuan nang lumabas ang unang nagsalita kanina. Hindi naman siya kagwapuhan. Pero hindi ko gusto ang paraan nang paningin niya. “M-may hinahanap lang ako. Sorry.” Sabay talikod ko. Hindi pa man ako nakakahakbang nang may yumakap na sa akin. “Ikaw ang sumayaw kanina, ’di ba? Pwede ka bang maikama? Magkano ka ba?” “Bitawan mo ako. Isa!” Sabay pumiglas sa yakap niya. Inapakan ko ang sapatos niya kaya napabitaw siya sa akin. “Walang hiya kang babae ka!” galit na hiyaw ng lalaking iyon. Aalis na sana ako roon nang may pumigil sa akin. Hinawakan naman ng isang lalaki ang aking kamay. “Ire-report ko kayo kapag hindi niyo ako tinigilan,” banta ko. Kaibigan ni Ronald ang Uncle ko kaya hindi talaga ako nagpapa-table. Bilin iyon ni Uncle, kaya kahit papaano ligtas ako rito. “Kapag binayaran namin si Madam, walang magagawa ang Ronald mo na ‘yan. Kaya sumama ka na kung gusto mo pang magtrabaho dito,” ani ng pangalawang lalaki. Hindi ako makakapayag na ilabas niya ako roon kaya pinagtatampal ko siya sa mukha. Dahil hindi siya mapigil, inilabas ko ang alcohol ko at ini-spray sa mukha niya. Dumaing naman siya at napabitaw din sa akin. Sasampalin niya sana ako nang may pumigil sa kamay niya. “Aba’t sino ka para pigilan ako?” anito sa gwapong sadya ko roon sana. “I’m Ayden Santillan,” sagot niya, sabay pakawala nito ng malakas na suntok. Nakita iyon ng isa kaya napaatras na lang ito. Amazed na napatingin ako sa lalaking iyon. May pangalan na siya. Ayden. Ayden Santillan. Ang saya ko! “Salamat sa pagligtas sa akin. Ako nga po pala si Charlie Montes, Sir Ayden,” pakilala ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin dinaanan lang ako after na punasan niya ang kamao niyang bahagyang may dugo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD