Hakan's POV After one week of staying at my parents house, finally we are moving to our own house. Isang oras lang naman mahigit ang biyahe namin pauwi ngunit hindi na makapaghintay ang asawa ko na makauwi kami kaya ginamit namin ang private plane namin para makauwi agad. Kasama namin si Steven at ang asawa niya na may pupuntahan din namang lugar sa lugar namin kaya alam namin na hindi naman kami nakakaabala sa pamamahinga ng mag-asawa. Sa susunod na linggo na kasi ang biyahe namin patungo sa Aparri kaya naman may oras pa si Steven para magpahinga. Isa pa, malaki ang bayad ni Steven sa akin kaya alam kong hindi kalabisan ang mga hinihingi kong pabor sa kaniya kagaya nito. Mas malaki pa nga ang bayad ko sa kaniya kumpara sa mga serbisyo ng kaniyang kumpanya sa ibang mga bigating tao. Tr

