Vaniella's POV Kinabukasan, tinanghali kami ng gising ni Hakan. Patong-patong kasi ang pagod namin mula sa biyahe namin ng La Union patungo ng Manila. Mula naman Manila to Istanbul na may twelve hours and forty minutes non-stop flight. Nakakapagod sa totoo lang lalo na at isang oras din ang biyahe namin patungo sa kanilang palasyo. Then idagdag pa iyong party kagabi na halos inabot na ng madaling-araw. Pagod at puyat nagsama-sama na kaya naman hindi na kataka-taka kung abutin man kami ng alas-dose ng tanghali sa paggising namin. Nagpadala na lang ng lunch namin si Hakan dito sa room namin habang ako ay nagpasya ng maligo sa magara niyang banyo at siya naman ay may kausap na naman sa kaniyang cellphone. Kahit narito kami sa Istanbul pansin ko ay abala pa rin siya sa mga katawagan niy

