Vaniella's POV Nagtuturo si Hakan sa harapan ng klase habang ako naman ay hindi mapakali sa aking inuupuan habang patingin-tingin ako sa labas tapos sa oras sa aking relo. Palapit na nang palapit ang oras na sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ko ito lulusutan. Ayaw ko at wala akong nais piliin sa dalawang choices na sinabi niya. Kung matutulog siya sa kwarto ko, mahuhuli kami na may gagawing kababalaghan ng mga kaibigan ko rito. Magkakatapat ang aming mga kama at konting galaw lang ay mabilis na naalimpungatan sila. Pare-pareho kaming mga cadete kaya malamang konting kilos lang ay magigising na sila. Kung sa kwarto naman niya ako matutulog, I’m sure may mangyayari kahit ayaw ko. Hindi naman siguro siya papayag na matutulog lang kaming magkatabi hanggang sumikat ang araw. I know how