Vaniella's POV Linggo ng madaling-araw kami umalis ng Istanbul patungo ng Pilipinas gamit ang private plane na binili ni Hakan. Si Steven na anak ni Uncle Erwin ang siyang piloto namin na siyang nagdala ng eroplano at sinundo kami sa mismong paliparan ng Istanbul. Kasama niya sa cockpit ang kaniyang asawa na nagsisilbing co-pilot niya. May alam din kasi sa pagpapalipad ng eroplano ang babae lalo na at si Steven mismo ang nagturo rito. Twice ko pa lang yatang na-meet ang asawa ni Steven. Una, noong ikasal sila sa Boracay at pangalawa ay ngayon. Gandang-ganda pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon. Walang nagbago sa itsura ng babae, parang dalaga pa rin itong tingnan kahit may isa na silang anak. Soon kami naman ni Hakan ang magkakaroon muli ng bagong baby. Kung twins man ulit ito gaya ni

