Vaniella's POV “So, hindi ka pa pala masyadong magiging abala kapag nakabalik na kayo ng Istanbul, Vani?” Usisa ni Alessandra na agad akong umiling sa sinabi niya pagkatapos kong ibaba ang hawak kong mataas na baso ng orange juice na sipsip ko lang ang straw kanina. We ended up eating in our favorite fast food restaurant after we got tired of non-stop shopping and playing different games at quantum funland. Ang dami naming in-order. Iyong mga kadalasang food trip nami kapag kami ay nagsama-sama. Burgers, fries, spaghetti, fried chicken, pizza, at matataas na baso ng inumin tulad ng juice, milk shake, at soda. Ginutom kami dahil sa pagod sa pamimili at paglalaro ng mga video games kaya heto at hindi kami magkandatuto sa pagnguya ng mga pagkain. Para kaming mga patay-gutom na walang pakia

