Vaniella's POV Nag-aalangan akong lapitan si Daddy na nakita kong nakaupo sa may balkonahe ng kwarto na inookupa nila at may tangan na kopita ng alak. Kanina si Mommy ang kausap ko at mga kapatid ko. Nang maging abala na sila sa pag-eempake kaya naman nagpasya ako na lapitan na si Daddy. Siya ang sunod na kakausapin ko kaya pinuntahan ko siya rito sa balkonahe ng kanilang kwarto na mag-isang umiinom na halatang nagsesenti dahil malapit na silang mawalay sa akin. Alam kong nalulungkot siya but at the same time ay masaya. Nalulungkot dahil na malapit na silang bumalik sa buhay nila sa Pilipinas at masaya dahil natupad ang isa sa mga pangarap niya. Sa huli, nagawa ko pa rin humakbang papunta sa kaniya pagkatapos akong i-push ni Mommy na lapitan siya para magkausap kami. Hindi ko alam na s

