33. Doomsday

2701 Words

Vaniella's POV “Anong oras ka nakauwi kagabi,Vani?” tanong sa akin ni Ate Lailanie nang sumungaw ako sa kusina na halos pikit pa ang aking mga mata. Antok na antok pa ako ngunit kailangan kong kumain ng almusal dahil kanina pa nag-aalburuto ang aking tiyan. Babalik na lang ako sa pagtulog kapag nalamnan na ang aking tiyan kahit konti. Parang gatas at tubig nga lang ay sapat na sa akin basta malagyan ko lang ng laman ang tiyan ko. “Hindi ko nga po matandaan, Ate. Parang blurred sa utak ko ang mga kaganapan kagabi,” sagot ko. Parang wala akong masyadong maalala sa mga naganap kagabi. Parang blangko ang kalahati ng utak ko na kahit pilitin kong alalahanin ay wala talaga akong maalala. Pati ang pag-uwi ko rito sa dorm ay hindi ko rin tanda. Hindi ko alam kung mag-isa kong umuwi o may naghati

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD