Hakan's POV Kinagabihan ay biglang dagsa ang mga kaibigan nina Daddy at Mommy. Syempre alam na namin ng aking asawa kung ano ang sadya nila rito sa bahay. Unang-una ay ang makita kaming buong mag-anak, magkamustahan, at mag-antay ng paborito nilang pasalubong na alam kong pag-aagawan nilang mag-anak dahil sa sarap nito at minsan lang sa isang taon lang sila makatikim. Kaya naman dinamihan ko talaga ang order para ipasalubong sa kanila. Tutal hindi naman masisira ang mga ito dahil dried fruits at dumaan sa malinis na proseso kaya pwedeng maimbak ng matagal. “Kumusta, Vani! We miss you so much!” Tili ng anak ni Uncle Blue na si Alessandra. Kadarating lang nila pero ang asawa ko agad ang dinumog niya kasama ang iba pang kaibigan nila na halos magkakasabay lang yata silang dumating. Hindi

