Hakan's POV Palihim akong natawa sa reaksyon ni Maria Vaniella nang makita niya ang kwarto ng Lolo Sultan ko. Halos hindi ko mailarawan ang nakikita kong reaksyon sa mukha niya dahil talagang napaka-epic fail. Hindi niya siguro akalain na mahilig si Lolo Sultan sa Dragon Ball Z. Ako rin naman hindi rin ako makapaniwala na ganito ang makikita ko sa kwarto niya nang minsan na mag-sneak in ako rito. Lahat kasi ng mga character na gumanap sa naturang cartoons or anime tv show na ito ay narito sa kaniyang kwarto. Mula sa tirahan ng mga ito na kakaiba, capsule na gamit nila sa paglalakbay, mga kalabang Saiyan, si Majimbo, at kung sino-sino pang kalaban hanggang sa dragon na si Shenron ay naritong lahat sa kaniyang kwarto. Ang pinakapaborito niya sa lahat ng characters ng Dragon Ball Z ay an

