Vaniella's POV “Pahinga ka na muna sa kwarto mo, anak. Kami na ang muna ang bahala rito ng Daddy mo,” ani ko kay Maria Makiling nang makita ko siyang naghikab sa ika-tatlong beses. Kanina pa ako nakamasid sa kaniya dahil kanina ko pa nakikita na pinipilit niyang manatiling gising kahit naman gusto ng bumigay ang talukap ng kaniyang mga mata. Madaling-araw na ngunit hindi pa rin siya natutulog. Sabi ko mauna na siya sa taas at kami na ng daddy niya ang bahala sa pag-aasikaso sa mga bisita. Tutal, marami ng mga katulong na nakaantabay sa kailangan ng mga bisita gaya ng pulutan, alak, yelo, at kung ano-ano pa na nakikita nilang malapit ng maubos sa lamesa. “No, Mom. I will stay here. Nakakahiya naman po sa inyo ni daddy kung iiwan ko kayong nag-aasikaso sa mga bisita habang ako ay nauna ng

