Vaniella's POV Hindi ko alam kung bakit na kay Diego ang panyo na isa sa mga natanggap kong regalo kay Hakan. Ang alam ko lang nawala ko ito noon kaya hindi ko alam kung saan ko ito nailagay. Siya pala ang nakapulot at nagtataka ako kung bakit ngayon lang niya ibinalik kung alam naman pala niyang sa akin? Siguro nakalimutan niya o kaya naman ay naging abala siya kaya nawala na rin sa isip niya kaya hindi niya naibalik. Sana ibinalik na lang niya sa ibang araw. Hindi ganito na nagkataon na magkasama pa kami ni Hakan tapos may drama pa siyang nawala raw siya sa sarili niya kaya niya ako niyakap. Hindi kami close para yakapin niya ako ng ganito. Isa pa, kahit sobrang miss mo iyong tao ay mahihiya ka rin naman na bigla ka na lang mangyayakap lalo na kung may kasama ito tapos wala pa kayong

