Hakan's POV Nanahimik sa sinabi ko si Maria Vaniella. Napipilan siya at nanlalaki ang mga mata. Napapangiti na lang ako habang nakatingin sa nanlalaki niyang mga mata. Ang ganda-ganda lang talaga ng asawa ko kahit ano ang reaksyon ng kaniyang mukha ay bagay sa kaniya. Lalo na kapag nasasarapan siya sa mga ginagawa ko sa katawan niya. Iyong pagtirik ng mga mata niya ay hindi ko makalimutan. Pati ang pagkagat niya sa kaniyang ibabang labi na halos magdugo para lang pigilan ang kaniyang mga ungol at sigaw. Kapag sinasabihan ko siya ng ‘I love you’, pansin ko lang na ito palagi ang sumusupalpal sa kaniya. Na para bang hindi siya makapaniwala na maririnig niya ang mga katagang ito sa aking bibig. Paulit-ulit ko naman itong sinasabi sa kaniya, hanggang ngayon ba ay hindi siya naniniwala n