Hakan's POV “Sorry, I am not available anymore. Magagalit sa akin ang mahal ko kapag nalaman niya na pumatol ako sa offer mo.” Sagot ko sa offer ng nurse na kung makahawak sa akin at makipag-usap ng ganito ay parang super duper close kami. Kanina lang naman kami nagkita at nag-usap pero kung i-offer niya sa akin ang kaniyang sarili ay parang nag-o-offer lang siya ng paninda sa mall. Extra service? The f**k! “Ay…akala ko single ka, Prof. Iyon kasi ang usapan sa buong academy,” nadismaya na sabi ni Nurse Bea. Sobrang nalungkot siya sa sinabi ko na hindi na niya nagawa pang itago ito sa akin. Akala ko naman ay lulubayan na niya ako sa sinabi ko pero nilapit lang niyang lalo ang kaniyang katawan habang kagat niya ang kaniyang ibabang labi. “Pero ayos lang naman sa akin kahit hindi ka na