Chapter 40 Napag-usapan nilang dalawa ni Miguel na mag-usap ngayong gabi bago sila umuwi. Pumayag naman siya dahil gusto na din niyang makalaya sa kanilang nakaraan. Para mabigyan kasagutan ang kanyang mga katanungan Minahal nga ba siya nito? Bakit siya niloko? Bakit sila pinagsabay? Bakit siya pinaasa? Bakit siya nasaktan ng sobra... Nandito sila ngayon sa isang coffee shop kahit madaling araw na napagdesisyonan na nilang mag usap ngayon dahil hindi na nila kaya pang ipagpabukas ang mga tanong nila sa isat isa.. "I want to make things clear.." Napalunok siya nang mag umpisang magsalita si Miguel habang nakatitig ito sa kanyang mukha. Malamig sa loob ng coffee shop dahil kaunti lang ang tao sa loob nito. Nawala na din ang kanyang kalasingan dahil na din sa kapeng iniinum nila.

