Kabanata 52 Heiress Ilang minuto na akong nakatitig sa malapad na salamin matapos ayosan ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita. Is this the same girl who spent a week crying? Is this the same girl who suffered a heart break? Masasabi kong malayong-malayo ito sa Natalia noon. Ang Natalia na mahina at iyakin. Ang Natalia na parating niyayapakan at minamata... Ibang iba na ang babaeng nakikita ko sa salamin ngayon... "Napakaganda mo, hija!" Tumayo si Inay sa aking likuran at hinawakan ang aking magkabilang balikat. Kita ko ang maluwang na ngiti sa kaniyang mga labi at pagkislap ng kaniyang mga mata. Hinaplos ko ang kamay niyang nasa aking braso at tumayo na rin. Tumabi ako sa kaniya ng tayo. Suot n'ya ang kulay Trumpet silver gown na tadtad ng sequins at ilang swarovski na bumag