Kabanata 30 L’amour Sakay ng maliit na bangka ay isa-isa kaming umakyat sa yate. Hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa sarili dahil sa mga narinig kanina. Wala rin sa loob ko kung bakit ako nakasama sa island hopping na ito. Tiyak kasi na hinihintay na ako ng mommy ni Argo para sa tanghalian. Kapag nakabalik na lang siguro ako didiretso doon sa mansyon. Ma-ingat akong naglakad sa bandang gilid at humawak sa may railings. Ngayon lamang ako nakasakay sa ganito kagandang yate. Tanging sa pelikula at sa internet ko lamang ito nakikita. Gaya ng kadalasan kulay ay puti halos ang buong yate. May malaki itong espasyo sa harapan at may malaki ring lounging area sa loob. Sa itaas ay tiyak kong may mga silid at ang huli ay ang control room. Pinili ko lang na mamalagi sa dulong bahagi nito haban