Kabanata 49 Heiress Tumulak na ako pabalik ng Batangas nang gabing iyon. Naghihilam ang mga mata ko habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus. Everything hurts now. My heart, body, and soul. Pakiramdam ko ay hindi lang bugbog ang natamo ng puso ko ngayon kundi parang pinatay n'ya ito ng paulit-ulit dahil sa nalaman kanina. Why he had to do that? Bakit n'ya ako kailangan pagtaguan? Hindi ko akalain na gano'n na lang siya kabilis na naniwala kay Andra. Yumuko ako at hinaplos ko ang impis kong tiyan. Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Pakitang tao lang ba ang ginawa n'ya sa hotel at ang tangkang pagsagip sa'kin sa kamay ng mga Villarosa at ng kaniyang Ama? Ginawa lang ba n'ya 'yon dahil napipilitan lang siya? Baka naman nagbago na ang isip niya dahil hindi s