Kabanata 8 Ang Don Halos higitin ko ang paghinga nang mamataan si Argo na palapit sa lamesa habang hindi inaalis ang madilim na tingin sa'kin. Kinapa ko sa tabi ang baso ng tubig at nilagok iyon nga diretso habang hinihintay itong magsalita. "Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?!" His voice is thundered. "Why don't you join us for dinner, hijo?" Tila prente at walang kagalaw-galaw na wika ng kaniyang Ina. "Kapag tapos mong kumain aalis na tayo." Matigas pa rin ang tono n'ya at hindi pinansin ang turan ng Ina. Bumaba naman ang tingin ko sa aking pinggan. "Ngayon pa lang ako nag-uumpisang kumain, makakapaghintay ka ba? Sayang naman kung hindi ko matatikman itong lahat." Ngumuso ako kapagdaka. Nakita kong nagtiim bagang ito. Halos ihilamos ang kamay sa mukha. Kinagat ko naman ang a