Kabanata 1

1182 Words
Halos hindi ako magkandatuto habang tumitipa ng mensahe para dito ngunit mabilis itong hinablot ng lalaki at marahas na tinapon sa bintana. Napa-awang ang labi ko sa labis na gulat. Kumurap ako't nagsalita. "What the hell?!" I spout out. Subalit wala itong salitang binigkas sa akin. Nasa unahan lamang ang tuon nito habang binabagtas ang daan patungo sa direksyong hindi ko alam. Sandaling naglagi ang mata ko dito. He's more handsome in a short distance. His chiseled face looks more impressive not far from a perfection. And those damnable lips... Napalunok ako ng mapansing gumalaw ang panga nito. Matapos ay dinukot ang cell phone sa kaniyang bulsa. Hinila nito sa dash board ang bluetooth head set matapos ay may tinawagan. "How's Florisse?" he speak in a calmer tone now. "Alright, please take care of her for the mean time. I'll call you later." Binaba na nito ang tawag at ngayo'y seryosong nag-da-drive. Mabilis umangat ang likod ko sa car chair nang humimpil kami sa presinto. "W-What are we doing here?" My mouth stuttered nervously. Doon lamang ito lumingon sa akin. My breath knocked out from my lungs as I look at those dark stonily eyes. "I make sure you'll pay for all of this." Mas mahigpit ang gagap nito sa braso ko nang dalhin niya ako sa loob. Pinagtitinginan man ay pikit mata kong sinalo ang mapanuring tingin ng lahat sa akin. "This fucking woman crashed in to my wedding. Gusto kong kasuhan n'yo siya ng scandal and defamation," anito sa pulis. Nanlaki ang mata ko sa sinabing iyon ng lalaki. "What? No, hindi ako masamang tao!" "You really are, miss?" He arch an brows at me and clenched his jaw hard. "Ano po bang nangyari?" tanong ng matabang pulis sa akin. Agad ko naman nalunok ang dila ko at hindi makapagsalita. Dapat ko na bang aminin na nagkamali lang ako ng kasal na pinuntahan? Pero pag ginawa ko iyon tiyak na kalaboso pa rin ang labas ko. "I want to file a case against this woman. Gusto kong mabulok siya sa kulongan at hindi na makalabas!" Matigas at buong boses nitong bigkas sa pulis na sa akin mismo nakatingin. I bite my lower lip. Yumuko ako dahil hindi ko matagalan ang mapanuri nitong tingin sa akin. "Ano ang masasabi mo, miss?" tanong ng pulis sa akin habang may tinitipa sa kaniyang type writer. Wala na akong pagpipilian kundi ang gumawa ng kwento. Humanda ka talaga sa akin Rosario pag-uwi ko. "I'm pregnant! Siya po ang ama ng pinagbubuntis ko! Balak niya akong iwan at ang magiging anak namin at magpakasal sa ibang babae!" I said without emersion. "What? No!" Nakita ko ang gulat sa mukha ng lalaki at pagtangis ng bagang sa aking sinabi. Damn it, Natalia. Mukhang hindi nito kakagatin ang palusot ko kaya pinilit kong umiyak habang nagsasalita. "Balak n'ya pong hindi panagutan ang magiging anak namin." I cried. "What? You're fucking liar!" he growled. Kulang na lang ay bumulagta ako sa aking kinauupuan dahil sa pamatay nitong tingin. Umiling iling ang pulis sa lalaki at nagpatuloy sa pag-ta-type. "I'm not lying. This is my evidence, sir!" Dinukot ko mula sa dalang sling bag ang pregnancy kit na may positive result. Ibinigay ito sa akin ni Rosario incase na may hindi inaasahang mangyari. I have two more positive results in my bag, nilabas ko ang lahat ng iyon para mas effective ang acting. "What? I barely know this fucking woman and I never laid my fingers on her. Ngayon ko lang siya nakita!" Halos mamula na sa galit ang mata nito habang nagsasalita sa pulis. "One night stand! We had a one night stand!" Malakas kong sinabi kahit pa halos hindi na ako makahinga sa sobrang guilt na nararamdaman. "Fuck!" Agad itong tumayo at sinabunutan ang buhok. "Sir, mukhang nagsasabi ng totoo itong si babae. E, baka kayo pa ang makasuhan pag pinilit n'yo?" anang mamang pulis dito. "No! I want you to send this woman inside that cell. Hindi ko 'yan kilala!" Turo nito sa rehas na malapit. "I want to file a case against him too," I said in my shaking voice. "Fuck!" Narinig ko ang malutong nitong mura. Damn it, Natalia. Ano naman ang ikakaso mo? "Okay, miss. Ano pong pangalan n'yo?" tanong nito. "Natalia Punongbayan ho, sir?" "Ilang taon?" Sandali muna akong sumulyap sa lalaking nasa aking harapan na siyang nakapamewang sa akin. "23, ho." Matapos nitong magtanong ng ilang bagay tungkol sa akin ay sa lalaki naman ito bumaling. "Ano hong pangalan n'yo, sir?" Hindi muna ito sumagot dahil pansin kong napapailing pa ito sa tinatakbo ng usapan. Halata naman kasi na sa akin pumapanig ang pulis. Kung alam lang nila... I smiled a bit. "Argo- Augustus GreenSmith. I'm 27," aniya. I lick my lower lip nang bumaba ang matalim nitong tingin sa akin. "Eh, hindi ho ba kayo magkakasundo?" "Hindi!" Matigas naming sagot pareho. "Sir, Argo. Kung panagutan n'yo nalang ho itong si Natalia, para walang problema. Tutal naman ho ay magkaka-anak na kayo? Matitiis n'yo ho ba na isilang sa kulongan ang magiging anak n'yo?" ani mamang pulis dito. Walang lakas itong naupo sa silya at hinilamos ang kamay sa mukha ng ilang beses. Mahigpit kong hawak ang aking sling bag at hinihintay ang sagot nito. Shit, Natalia. Kapag hindi ito pumayag ay tiyak na hihimas ka ngayong gabi ng malamig na rehas. "Mag-usap muna ho kayong dalawa. Kung magmamatigas ho kayo pareho ay hindi tayo matatapos." Doon umayos ng upo ang lalaki at diretsong tumingin sa pulis. "Alright, I'll talk to her first." Hinila nito ang palapulsohan ko at muling sinakay sa kaniyang kotse. Tahimik lamang ako habang nakaupo at wala sanang itong balak kausapin ngunit ito na ang nagbukas ng usapan. "Tell me, are you really pregnant?" Pumikit ako ng mariin at lumunok ng maraming beses bago sumagot. "Y-Yes.." My lips lied. "Fuck!" Sunud-sunod nitong sinuntok ang manubela. Sandali akong yumuko, doon ko na naramdamang kumilos ito at tahimik na pinaandar ang limousine. Kagat labi akong bumaling sa bintana at iniwan ng tingin ang presintong pinanggalingan. Ilang sandali pa ay humipil kami sa tabi ng kalsada kung saan abot tanaw ko mula dito ang Mayon Volcano. Sumulyap ako dito na siyang nakapikit ng mariin habang hinihilot ang pagitan ng ilong gamitin ang daliri. "What are we doing here?" I utter a question. "Shut up! Just give me a minute.." Bakas pa rin sa tinig nito ang matinding galit. Sumandal ako ng upo sa car chair at tahimik na pinagmasdan ang Mayon mula dito at ang tahimik na paglubog ng araw. Bumalik lamang ang tingin ko dito nang lumabas ito ng kotse matapos ay marahas na hinila sa harapan ang bulaklak na nadikit doon. Lumunok ako habang pinagmamasdan itong hawak ang bulaklak habang naka-upo sa hood ng limousine. "Oh, God! What have I done?!" Napansin kong marahas niya itong hinagis sa bangin at humakbang na pabalik sa sasakyan. I shifted on my seat uncomfortably nang paandarin nitong muli ang sasakyan. "Where are we going now?" kinakabahan kong tanong dahil sa mabilis nitong pagpapaandar. "We are going to hell!" he said sharply...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD