Kabanata 45 Engagement Party Pabalikwas akong bumangon kinabukasan nang marinig ko ang pagtunog ng aking telepono sa night stand table. Mabilis ko itong kinapa at sinagot ang tawag. "Natalia, anong oras na. Wala kabang balak pumasok?!" Ang matinis na boses ni Shiela ang bumungad sa'kin. Sumulyap ako sa wall clock at doon ko lang napagtanto na pasado alas otso medya na pala ng umaga. Tinapik ko ang noo, late na ako nang kalahating oras. "Kung wala lang event sa hotel hindi sana kita tatawagan pero pinatawagan ka sa akin ni Ms. Punzalan para pumasok." "Sige, papasok ako." Pinatay ko na ang tawag at dumiretso na banyo para maligo. Ilang minuto lang ay lumabas na ako at agad na magbihis para pumasok. Sinisisi ko ang saili kung bakit tanghali ako nagising. Panoo'y hindi ako pinatulog n