Kabanata 39 The Encounter Naging maagan ang trabaho ko nang sumunod na mga araw. Gayon pa man ay hindi maiiwasang dagsain kami ng customer lalo na kapag may event sa hotel kung saan naroon din mismo ang restaurant. Kadalasan ay dito ang bagsak ng mga guests lalo na kapag may gathering or may mga tourist na dumarating sa hotel. Gaya ngayon may kasal daw sa conference room at bukas pa gaganapin ang kasal kaya dito ang bagsak ng mga guests ngayon. Hindi ko nga halos maramdaman ang paa ko dahil sa pamamanhid nito sa mahabang pagtayo. Buti sana kung naka-plat shoes ako ngunit kailangan kong mag heels ng medyo mataas to look more presentable and decent. Ang mga waitress naman na lalaki ang nagbibit ng tray kapag marami itong laman kaya walang problema sa akin. "Hays, nakakapagod ang araw