Kabanata 35 Cold Heart Nagising ako sa malamig na hangin na dumarampi sa aking balat. Tirik na rin ang araw nang mamulatan ko ang sariling silid. Tumagilid ako ng higa at niyakap nang mahigpit ang hotdog pillow na aking dantayan. I shut my eyes firmly as I remembered what happened last night and his last words to me that leave a big cut to my heart. Alam kong galit siya sa mga nalaman, lalo na sa mga kasinungalingan ko at pagpapaikot na ginawa ko sa kanya at sa kaniyang pamilya. Namaluktot ako ng higa hanggang sa yumuyog ang balikat sa mahinang pag-iyak. Kagabi pa walang patid ang mga luha ko mula nang bumalik ako sa aking silid. Labis-labis ang pagsisi ko sa mga nagawa kong kasalanan. Pero ang mas masakit pala ay ang matuklasan kong hulog na hulog na ako sa kanya at wala akong pagp