3rd Person's POV;
Nang magising ang dalaga mabilis itong bumangon at pawisan itong kinapa kapa ang study table at ininom ang gamot na nasa lagayan habang pilit na pinapakalma ang sarili.
"Damn." mura ng dalaga habang hawak ang dibdib at pilit na pinapakalma ang paghinga.
"Teacher Allison." ani ng batang babae mula sa kabilang pinto habang kumakatok.
"Teach---."
"Alex baka tulog pa si Teacher Allison wag mo na istorborhin." ani ng binatang si Derek na kinaangat ng tingin ng dalaga habang hinahabol ang hininga.
Nang makarinig siya ng mga yabag papalayo kinuha nito ang roba malapit sa kama at sinuot bago pumasok sa comfort room at naghilamos bago namumutlang tumapat sa salamin.
"Allison tama na move on." ani ng dalaga bago ipikit ng madiin ang mga mata at mapaupo sa sahig ng comfort room at tahimik na umiyak.
---
"Butler anong ginagawa natin dito?" tanong ng batang si Bullet ng tumigil ang van sa lugar kung san maraming bata.
"Ito ang gift ko sayo young master igagala kita sa lugar kung san mo gustong pumunta." ani ng butler na kinatingin ng batang lalaki.
"Magagalit sayo si mama baka parusahan ka nana---."
"Ayos lang basta makita kong masaya ka tara baba na bibili kita ng mga pagkain na gusto mo." putol ng butler sa alaga na kinakinang mata ng batang lalaki.
"Maraming salamat po!" tuwang tuwa na sambit ng batang lalaki bago sunggaban ng yakap ang butler ng buksan nito ang van.
"Bumaba kana sayang ang oras marami pa tayong pupuntahan." ani ng butler na kinaexcite ng todo ng batang lalaki.
"Papa ayos ka lang po ba?" tanong ni Alex ng makita ang biglang pagtahimik ng binata ng makarating sila sa park na malapit sa apartment ng dalaga.
"May iniisip lang si papa nakabili kana ba ng ice cream?" kalmadong tanong ng binata na kinatango ng batang babae bago itaas ang dalawa nitong ice cream.
"Tig isa tayo papa."
'Tig isa tayo young master.'
Napangiti ang binata bago abutin ang hawak na ice cream ng batang babae bago ito buhatin at maglakad pauwi.
---
"Tangna mong kupal ka bakit pati ako binitbit mo dito?" mura ng dalagang si Allison ng makarating sila sa isang napakalaking studio.
"Ikaw ang wierd mo talaga kung ibang babae ang nandito baka mag titili na yun dahil sa dami ng artista at modelong naglalabas pasok dito." komento ni Derek habang buhat ang batang si Alex na tuwang tuwa na nakatingin sa paligid.
"Ang ganda dito papa at look lagi ko siyang nakikita sa t.v" hindi makapaniwalang sambit ni Alex habang nakaturo sa babaeng sinusundan ng mga make up artist nito.
"Excuse me hindi ako katulad ng ibang babae." pagtataray ng dalaga na kinatawa ng apat na nasa likod habang sinusundan ng organizer ng taping ng banda.
"Derek." napatingin ang dalaga sa sopistikadang babae na bigla na lang sumulpot kung saan at nilapitan ang binata.
"Pwede ba kitang makausap?" ani ng babae bago tingnan ang dalagang si Allison.
"Reid pakihawak si Alex." ani ng lalaki bago ibigay kay Reid ang batang babae.
"Bakit mo sila sinama dito? issue nanaman ito gusto niyo na ba masira talaga ang care---."
"Pake ko sa issue kayo may kasalanan kung bakit kami andito ngayon at kung magkaroon man ng issue responsibility niyo yung ayusin diba Sec." naiinis na sambit ng binata na kinalapit ni Galvin.
"Dre hinay hinay lang walang kasalanan si Gwen." ani ni Galvin bago tapikin ang kaibigan at tumingin sa dalaga na parang humihingi ng paumanhin.
---
"Teacher Allison ang pogi ni papa noh." bulong ni Alex habang nakaupo sa hita ng dalaga at pinanood ang ama na nasa stage para sa pag launch ng magazine ng banda.
"Ohmy Allison is that you?" napatingin ang dalaga sa babaeng lumapit sakanya kasunod ang ilang staff.
"Ikaw pala Winny." ani ng dalaga na kinatingin ni Winny kay Alex.
"Ohmy kaya ka ba tumigil sa modelling dahil nangana---."
"Tsk hindi ko ito anak estudyante ko ito binibaby sit ko lang." putol ni Allison ng---.
"Derek!" napatayo ang dalagang si Allison bumagsak ang bakal na sinasabitan ng kurtina at---.
"Wtf! bakit hindi kayo nag iingat!" sigaw ni Reid habang nagkakagulo ang buong staff para icheck si Derek na napaupo ng muntikan na itong mabagsakan ng bakal.
"Papa!" tili ni Alex pero bago pa ito makatakbo dun nahablot na ito ni Jackson.
"Princess okay lang si Derek delikado dun." ani ng binata bago buhatin si Alex at ibalik sa bench kung nasan sina Allison.
"Ayos lang si kupal?" tanong ni Allison na kinangiti ni Jackson.
"Ayos lang ang gagong yun dont worry." ani ni Jackson bago ibaba si Alex sa harap niya.
Napatingin ang dalaga kay Winny ng makitang tumalikod ito at naglakad palabas ng kwarto.
Matapos ang insidente kinancel panandalian ang pictorial.
"Pahinging first aid kit." utos ng dalaga sa personal make up artist ng binata na agad sinunod ng babae.
"Ithink may sumasabotahe sayo." ani ng dalaga habang nakaupo sa mono block sa tabi ng binata na kasakuyang nakaharap sa salamin at umiinom ng tubig.
"Aksidente ang nang---."
"Wag ako Mister hindi ako kasing bobo ng iniisip mo mula sa pagiging organizer, manager hanggang sa naging artista. Naging buhay ko na ang ganitong industriya at alam kong sa ganitong larangan wala ng mas hahalaga sa buhay ng taong nakatayo sa entablado." putol ng dalaga bago kuhanin ang first aid kit na hawak ng babae at walang kaano anong iikot ang swilve chair ns kinauupuan ng binata para gamutin ang pasa sa balikat nito at lagyan ng ointment.
"Pacheck up mo toh mamaya mukhang masama ang pagbagsak ng bakal sayo." ani ng dalaga habang nakatingin sa malaking pasa sa balikat ng binata.