SIMULA
Mharimar
“You’re four weeks pregnant, Miss. And guess what? It’s not just one baby, but three. You're carrying triplets! Congratulations!”
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig iyon mula sa isang nurse na kaharap ko ngayon. Halos hindi ako makapaniwala. Isang beses lamang 'yon pero kaagad akong nabuntis.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi lang isa kundi tatlo itong nasa sinapupunan ko. Kung sakali man, tatlo rin ang mawawala sa akin.
Ngayon pa lang, parang hindi ko na kaya. Hindi ko kayang isipin na pagkatapos ko silang isilang dito sa mundo ay kukunin din sila sa akin.
Tulala akong naglalakad ngayon sa hall way. Hindi ko alam ang gagagawin ko. Sasabihin ko ba ito kay Serene o ililihim na lang muna sa kaniya?
-------
"Mhari, I need your help." mula sa kabilang linya kausap ko si Serene. Medyo matagal na rin na hindi ko siya nakikita. Ngayon ko na nga lang din ito nakausap ulit at sa cellphone pa.
Si Serene, bestfriend ko. Tinutulungan niya ako sa lahat ng bagay. Tuwing wala ako, lagi siyang nandiyan para tulungan ako. Lalong-lalo na pagdating sa pera.
Balita niya kasi sa akin. Sinuwerte siya sa kaniyang nobyo. Ang sabi niya, gwapo daw ito at sobra pa ang yaman.
"A-anong maitutulong ko? Meron pa ba akong maitutulong sa iyo? Lahat na yata ng kailangan mo nakukuha mo. Ano naman ang maitutulong ng isang probinsyanang katulad ko sa isang babaeng nasa syudad?" pabirong sabi ko sa kaniya.
Sa totoo lang, kayang-kayang makuha ni Serene ang lahat. Dahil ang sabi niya spoiled siya sa boyfriend niya. Ang swerte ng bestfriend ko pagdating sa lalaki.
"Kailangan kita, Mhari. Isang gabi lang...please?" pakiusap niya.
"A-anong isang gabi? Ano ba kasi 'yan? Sabihin mo na sa 'kin. Kung trabaho 'yan tatanggapin ko dahil kailangan na kailangan ko ngayon ng pera. May sakit ang kapatid ko at medyo malaking pera ang kailanganin ko para mabayaran ang bills niya sa hospital. Si Inay naman kasi hindi sapat ang paglalabandera niya at si Itay naman alam mo naman na maliit lang din ang sahod niya."
"Tamang-tama itong ibibigay ko sa 'yo."
"Bibigyan mo ba ako ng trabaho?" excited na tanong ko sa kaniya.
"Pagkatapos ng ipapagawa ko sa 'yo. Promise, bibigyan kita ng trabaho."
"A-ano bang ipapagawa mo sa akin?"
"Ahm! Sipingan mo ang boyfriend ko."
"A-ano?" napabulalas ako. Hindi ko inaasahang maririnig ko iyon mula sa bibig ng bestfriend ko.
Boyfriend niya 'yon pero inuutusan niya akong sipingan ko ang boyfriend niya. "H-hindi ka pa naman siguro nababaliw noh?" nakangiwing tanong ko sa kaniya.
"Seryoso ako, Mhari." seryosong sabi niya.
Hindi nga ba siya nagbibiro?
"Mhari, please..." muli niyang pakiusap. Nanahimik ako sa kabilang linya dahil halos hindi ko malunok ang laway ko sa pinapagawa ng bestfriend ko.
"P-pasensya ka na, Serene pero h-hindi ko kaya ang pinapagawa mo. Mahirap 'yang pinapagawa mo sa 'kin. Boyfriend mo 'yon tapos—" hindi ko masambit ang salitang nasa dila ko.
"Mhari, please...kailangan ko lang ng anak."
"Anak?"
"Baog ako, Mhari. Hindi ako mabubuntis."
Napaawang ang labi ko. Hindi makapaniwala sa mga nalaman ko.
"A-ano naman ngayon kung baog ka? Hindi ka ba matatanggap ng lalaking 'yon?"
"Mhari, kailangan niya ng tagapagmana. Kapag hindi ko siya nabigyan ng anak baka manlamig siya sa akin at baka iwan niya ako. Kaya kailangan kita, Mhari. Ikaw lang ang sagot sa problema ko. Please help me, Mhari. Isang beses lang naman. Promise, bibigyan kita ng trabaho pagkatapos."
"P-pero, bakit ako?" tanong ko ng puno na pagtataka.
"Dahil ikaw lang ang alam kong makakatulong sa 'kin."
"P-pasensya na, Serene pero mukhang hindi ko kaya ang pinapagawa mo. Hindi ko kayang makipagsiping sa boyfriend ng kaibigan ko. Marami naman diyang iba. P-paano kapag nabuntis ako? Anong mangyayari sa inyong dalawa ng boyfriend mo?"
"That's exactly what I want to happen, Mhari. Gusto kong mabuntis ka at habang nagbubuntis ka. Magkukunwari din naman akong buntis para kapag naipanganak mo na ang bata. Ibibigay mo na lang ito sa akin."
"A-ano? I-ibibigay ko sa 'yo? A-ano 'yon baboy na basta na lamang ipinamimigay? Hindi ka ba masasaktan? Hindi ka ba magseselos?"
"Mahal ko ang boyfriend ko, Mhari kaya siyempre makakaramdam ako ng selos. . .pero mas mahal ko ang kayamanan niya."
"A-ano?"
"Sa panahon ngayon, Mhari dapat kang maging practical."
"Pero, Serene hindi ko talaga kaya pinapagawa mo. Sorry talaga. Iba na lang ipagawa mo sa 'kin 'wag lang 'yan."
"Pag-isipan mo, Mhari. Bibigyan kita ng magandang trabaho after ng pinapagawa ko sa 'yo."
"Pero hindi madali ang pinapagawa mo sa 'kin. Kailangan kong makipagsiping sa boyfriend mo. Alam mo bang wala pa akong experience diyan."
"Madali lang naman 'yon. Sumabay ka lang. Isa pa, lalaki naman yung gumagalaw hindi tayong babae. Depende sa sitwasyon. Pero mas gusto ng boyfriend kong siya ang nagdadala pagdating sa sex."
"J-jusko. H-huwag mo sasabihin sa akin 'yan kinikilabutan ako."
"Hay, naku virgin Mhari. Paano mo naman ma-eexperience 'yong ganoong bagay kung takot ka. Kailangan mo lang mag-explore."
"Mharimar!" narinig kong sigaw ng aking kuya. Siguro lasing na naman ito. Araw-araw na lang siyang lasing. Umuuwi lang dito para kumain.
"S-Serene, tatapusin ko na muna itong tawag mo ah? Nandiyan na kasi si Kuya. Alam mo naman 'yon."
"Lasing na naman? Hindi na talaga nagbago 'yang kuya mo. Kung ako sa 'yo umalis ka na lang diyan. Wala kang mapapala diyan, Mharimar. Kapag nandito ka sa Manila maraming opportunity na maghihintay sa 'yo. Kaya pumayag ka na sa alok ko."
"Si Serene ba 'yan?" bigla na lamang sumulpot si Kuya sa likuran ko. Hindi na ako nakaiwas pa ng bigla na lamang niyang hablutin ang cellphone ko. "Hi, Serene! Balita ko naka-jackpot ka raw ah? Ayos rin naman ng racket mo. Itong kaibigan mo kaya kailan makaka-jackpot?" baling ni Kuya sa akin.
Hindi ko naririnig ang mga sagot ni Serene sa kabilang linya.
"Paano nga ba makaka-jackpot itong kapatid ko eh halos manang ang style ng pananamit." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ayaw nga hubarin itong suot niyang salamin. Sino ba namang mayaman ang magkakagusto dito?" nalalasing na sabi ni Kuya.
Oo, malalaking shirt ang sinusuot ko at palagi rin akong nakasuot ng salamin. Nasanay na kasi ako. Kapag naman tinanggal ko ito nanlalabo ang mga mata ko.
"Walang kwenta." bigla na lamang ipinasa ni Kuya sa akin ang cellphone. Mukhang wala na sa kabilang linya si Serene. "Ipaghanda mo nga ako ng pagkain, Mharimar! May silbi ka naman."
"Kuya, kaya mo naman ipaghanda 'yang sarili mo bakit mo pa ako inuutusan?"
"Nagrereklamo ka?" nagulat na lamang ako ng hablutin niya ang buhok ko. "Sa susunod na sasagutin mo pa ako ng ganiyan. Hindi lang 'yan ang mapapala mo!" sigaw niya sa aking pagmumukha sabay bitaw sa buhok ko.
Tumulo na lang bigla ang luha ko.