Vince’s POV Sa puntong ito ay wala na akong hihilingin pa. Alam kong naging maayos na ang lahat; naayos ko na ang lahat. Okay na si Daddy at unti-unti ko na ring naibalik sa dati ang lahat-lahat; ang kompanya ko, ang mga mahal ko sa buhay at ang mga taong naging balakid sa mga gusto ko at mga plano ko. Limang taon man akong nawala pero babawi ako at hindi pwedeng hindi. Kailangan kong iparamdam ang pagmamahal sa mga taong nawalay sa akin sa loob ng limang taong pagkawala ko. Napaangat ako ng tingin, nakaupo ako ngayon sa aking kama. Kakauwi lang namin mula sa ospital at sa bahay ko muna kami tumuloy. Ayaw sanang sumama ni Jillian rito pero pinilit ko ito lalo pa at hindi pa ako tuluyang nakapagpagaling. Hindi ko pa tuluyang nabawing muli ang aking lakas. Wala pa rito si Daddy