Jillian’s POV Gabi na nang makauwi ako ng bahay mula sa probinsya. Kahit papaano ay naibsan ang sakit sa aking puso. Sinabi ko na kay mama ang lahat at kahit papaano ay nailabas ko rin ang aking sama ng loob. Iba talaga kapag may tao kang mapagsabihan ng iyong nararamdaman. It is like a remedy that you can’t find by yourself. Para akong nabunutan ng tinik nang masabi ko kay mama ang lahat. Iba pa rin ang pakiramdam na may ina. Hindi man kami close ng Daddy ko pero nagpapasalamat akong nandito pa rin si mama na handang makinig sa mga problema ko. Si mama na naging ina at ama sa akin at ng mga kapatid ko sa mahabang panahon. Gusto ko pa sanang manatili sa probinsya pero hindi pwede gayong naiwan ko si Axel sa bahay kaya kailangan kong umuwi nang maaga. Saktong alas syete pa ng gabi nan