Vince’s POV “Good morning,” hinawi ko ang kurtina sa bintana. Umaaliwalas na ngayon ang sinag ng araw sa aming kuwarto. Si Axel ay hindi nagising habang si Jillian naman ay mahimbing pa rin na natutulog. Hinintay ko silang gumalaw man lang mula sa kamang kanilang kinagagalawan pero hindi. Napatingin ako sa relos at alas otso na ng umaga at narito pa rin kami sa kuwartong ito. Umiling ako. Hindi ko na sila ginising pa. Nauna na akong bumaba at dumiretso na lang sa kusina para simulan ang nakagawian kong gawin tuwing wala si yaya. Day off ngayon ni yaya kaya walang nakapagluto ng maaga. Kaya kailangan kong magising nang maaga para ipagluto ang aking mag-ina. Busy ako sa paghihiwa ng mga sangkap. Hindi ko alam nasa likuran ko na pala si Jillian at nakatayong nakatingin sa a