Vince’s POV Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkain sa hapag. Nakikita ko na rin na unti-unti nang naging malapit si Axel kina Dad at sa pamilya ni kuya Lucas. Hindi nawala ang ngiti ko buong hapunan. Masaya akong tinitingnan ang pamilya ko na unti-unti na rin nagkaayos. Ito ang inaasam-asam ko at ngayong makita ko silang buo sa aking harapan ay pakiramdam ko ay ako na ang pinakaswerteng tao sa mundo. Alas nuebe na ng gabi nang matapos kaming kumain. Natagalan lang kami sa hapag dahil sa mga kwentuhan nina Dad at kuya Lucas. Minsan ko na rin nakitang nag-uusap si Jillian at ang asawa ni kuya Lucas na si Ari. Panay ang lakas ng t***k ng aking puso dahil sa nakikita kong saya sa aking pamilya. Sana tuloy-tuloy na ito. Gusto ko na rin maranasan ang kuntento at masayang pamilya na