Chapter 7

2776 Words
Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Mr. Montemayor. Ito ang pangalawang beses na makasakay ako sa kotse niya ngunit hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa amoy ng kanyang kotse. It's obviously an elegant and expensive car. Kung ano ang amoy ni Mr. Montemayor ay ganoon rin ang amoy ng kanyang sasakyan. It seems like he's using the same scent as he's using. Hindi ko tuloy maiwasang mas mailang pa lalo. Pakiramdam ko kasi ay naamoy ko ang panglalak niyang pabago and I can't stop thinking his masculine body from it. F*ck! Pigilan mo 'yang iniisip mo Jillian! Hindi 'yan magandang ideya! "Sir, sa kabilang kanto po," tinuro ko ang makitid na iskinita dahil kapag hinayaan ko lang siyang magmaneho ay tiyak na tuluyan na kaming lumagpas. Lumiko siya doon. Alam kong ilang minuto na lang ay makakarating na rin kami sa tapat ng bahay ko at sa puntong 'yon ay tuluyan na rin siyang makalayo sa presensya ko. "Dito ka nakatira?" He asked me. Alam kong naninibago siya sa lugar kung saan ako lumaki. Di tulad niya, lumaki ako sa lugar kung saan maraming tao at nagaabot ang iba't-ibang pang-amoy. Bagamat mga magagandang gusali ay mansyon ang kinagisnan niya ay alam kong sobra siyang nagulat sa nadatnan niya ngayon. "Yes sir," I proudly said. Napalingon siya sa paligid. Tulad ng nakasanayan ko ay maraming taong nakatambay sa gilid ng daan. Kadalasan doon ay ang mga siga rito o hindi kaya ang mga lasingyero. Isa rin sa dahilan kung bakit ayaw kong umuwi nang malalim ang gabi dahil sa komunidad na meron kami. It's totally full of mess. Malayong-malayo sa trabahong meron ako ngayon. "I warned you," he said in a hard tone voice. Napalipat kaagad ang atensyon ko sa kanya. Sobrang nagulat sa sinabi niya. "Po-po?" tanong ko ulit at baka nagkamali lang ako ng dinig. Why will he warn me? Wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya at bakit niya ako pagbabantaan? Damn this man. Umaandar na naman ang pagkatuliling niito. "One more " Po" or " Sir" Miss Bartolome and I'll won't let you get out from this car," he said Possessively. Napakunot ang noo ko. "Bakit p---" napatigil ako sa pagsasalita nang maaninag ang mga mata niyang matulis na nakatingin sa akin mula sa rear view mirror ng kanyang sasakyan. Mas lalo lang nanunuyo ang lalamunan ko sa nakita kong reaksyon mula sa kanya. "Stop treating me as if we're in the office. Wala na tayo sa opisina at hindi mo na ako boss. Work is work. Iba kapag nasa labas na tayo ng trabaho." Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi ni Mr. Montemayor. Lalo na't alam kong may kahulugan ang binitawan niyang mga salita. Damn this man. Nababaliw na ako rito. Kung ano-ano na lang ang pinagsasabi niya, eh! Hindi na ako sumagot pa. Kalaunan ay pinahinto ko na rin siya. He stop the car in front of our old house. Napatingin siya doon saglit pero kaagad rin namang bumaling sa akin. "Salamat..." I was about to praise him by his sure name or by saying "po" pero buti na lang at naisip ko ang sinabi niya kanina. "Vince. Call me Vince when we're out from work," he said after he unlocked the door for me. Ilang saglit kaming nagkakatitigan sa isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit hindi kaagad ako umiwas doon. Hindi ako nagsalita pa. I quickly open the door saka nagmamadaling lumabas. Hindi ko na siya nilingon pa. Habang tinatahak ko ang makitid na daan patungo sa pinto ng aming bahay ay alam kong nakatingin pa rin siya sa akin ngayon. Hindi ko rin narinig na umaandar muli ang kotse niya kaya alam kong nanatilli pa rin siya ngayon sa kung saan kami huminto kanina. I open the door. Hindi pa man ako tuluyang nakapasok sa munting sala namin pero unang bumungad sa'kin ang kapatid kong babae, si Trina. Naaninag ko sa kanyang mga mata ang lungkot dahilan para kumunot ang aking noo. Humakbang ako papalapit sa kapatid ko. Nang maaninag ang presensya ko ay kaagad rin itong tumayo saka mabilis akong nilapitan. "Ate," she said hysterically. Halata sa boses niya ang pagkakataranta. "Bakit nag-iisa ka lang rito? Asan ang mga kapatid mo? Ang kuya? Si nanay?" Pati ako ay natataranta na rin sa inaasta si Trina. Kung paano niya ako niyakap ay alam kong may maling nangyayari dito. Kumawala si Trina sa yakap. Her eyes are now covered with falling tears. Hindi ko na mapigilan ang madala sa emosyon niya. "Si mama nasa ospital na naman ate. Ok Naatake na naman ng sakit niya." Nabitawan ko ang hawak kong bag. Hindi ko alam kung magtatanong pa ba ako kung anong oras nangyari ang pagaatake dahil sa puntong ito ay wala na akong ibang gustong gawin kung hindi ang puntahan si mama. Dammit! Kung nakauwi lang sana ako nang maaga e hindi sana nandoon na ako sa tabi ni mama ngayon. Paano kung may mangyaring masama kay mama? Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. "Saang hospital ba? Dito lang ba malapit sa atin? " Natataranta na ang boses ko. Ilang beses nang inatake si mama sa sakit niya at sa tuwing nangyayari 'yon ay walang tigil ang puso ko sa pagkaba. I can't lose her. Siya na nga lang ang tanging magulang na natira sa buhay ko at sa mga kapatid. Gagawin ko ang lahat mailigtas lang ang natatanging taong pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob. Mabilis akong lumabas ng bagay. Ilang minuto pa lang nang ihatid ako ni Mr. Montemayor kaya umaasa akong nasa labas pa siya pero wala na siya roon. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. I ignore the mess street at naglakad na lang patungo sa highway. Nang marating sa highway ay nagpara kaagad ako ng taxi gayong pahirapan na ang sakayan ng jeep dahil malalim na ang gabi. Hindi ko ininda ang lamig na bumabalot ngayon sa aking balikat at leeg. I am still wearing my office attire kaya limitado lang ang bawat hakbang ko gayong mini skirt ang suot ko ngayon. "Kumusta na po ang lagay niya?" I asked the doctor. Nakatingin lang ako ngayon kay mama na mahimbing na natutulog. I feel so sad seeing my mother in pain. Iniisip ko pa lang na nakapikit siya at walang malay ay hindi na mapalagay ang sarili ko. I can't lose her right now. Paano na ang mga pagsisikap na inilaan ko para sa kanya? Paano na ang mga sakripisyong ginawa ko kung mauwi lang sa wala? Tanging gusto ko lang naman ay ang gumaling ang nag-iisang magulang ko. "Malala na ang sakit ng pasyente. According to the past record, she undergoes multiple heart attack at kapag naulit pa ito ay posible na siyang matuluyan. The patient needs to have emergency operation and diagnosis. Kailangang maagapan kaagad ang sakit bago pa tayo maunahan." Hindi ko maiwasang mapaluha sa sinabi ng doktor sa akin. Nasa kay mama lang nakatuon ang atensyon ko at wala akong balak na alisin 'yon sa kanya. "Si-sige po. I'll find way to have her operation as soon as possible," pinalis ko ang luha sa aking mga mata. Nagpaalam na rin ang doktor. Nang makalabas ang doktor sa room ay doon na ako naglakas ng loob na lapitan si mama. Hinawakan ko ang kamay niyang nangulubot na. Ilang beses nang inatake si mama at ilang beses ko na rin sinubukang papaoperahan siya pero hindi ko magawa. Sometimes, I can't stop blaming myself. Sana may sapat akong pera para ibigay kay mama ang gamot at operasyon na kailagan niya para sa kanyang paggaling. I can't blame my self dahil ni hindi ko man lang kayang gamutin ang ina ko. Umupo ako sa gilid ni mama. I kiss her hand. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha sa mga mata ko. I let it slip down to my cheeks. "Ma. Sorry," hikbing tugon ko. I feel sorry for not giving her operations noong una siyang inatake sa puso. E hindi sana naagapan nang maaga. Hindi na sana naghirap pa si mama ng mahabang panahon. Kinabukasan, nagising akong katabi si mama. Tulad ng inaasahan ko, she's not yet awake. Napagpasyahan kong h'wag muna pumasok ngayon. Mas mabuting sa kay mama ko muna ituon ang atensyon ko. "Ilan po ba ang kailangan para sa operasyon dok? " Tanong ko sa doktor na ngayon ay chinecheck ang status ni mama. "60 thousands for the operation. Hindi pa kasama roon ang diagnosis at mga gamot na kailangan i-maintain. Aabot sa 150 thousand. That would be enough for you mother's betterment," he closed the folder he's holding saka tumingin sa akin. "Hindi ko naman po kayo pinipilit sa operasyon. It is your decision but that is the only way to medicate your mother. A simple diagnostic won't heal your mother since her heart diseases is already in severe stage." "Gagawin ko po ang lahat basta pagalingin niyo lang po ang nanay ko. Pleasw doc," I almost kneel in front of him. I can't lose her. I can't lose my one and only foundation in life. I can't lose my mother. Gamit ang hinlalaki ko, pinalis ko ang luha sa aking mga mata. Ilang beses na akong umiyak kagabi pa. Hindi ko na nga alam kung ano ma ang postura nitong mukha ko dahil kagabi pa ako walang maayos na tulog at ayos. I didn't even saw my face in the mirror even once. Suot ko pa nga ang office attire ko ngayon na kahapon ko pa suot suot. Lumabas ako sa room. Saktong kakatapos ko lang na maisara ang pinto ng room nang maaninag ang presensya ni kuya. I look at his face. Halata sa mukha niya ang lungkot at katulad ko, he's also hoping for our mother's betterment. "Kumusta na si nanay?" He asked me sorrowfully. Hindi ako sumagot. Nakayuko lang ako. He traced my eyes na alam kong nag-alala na rin siya sa akin ngayon. I might look so stressed and sleepless. Siguro nahalata ni kuya 'yon. "Magpahinga ka muna. Ako na ang bahala kay mama," he tap my chest. Napaangat ako ng tingin. "Saan tayo kukuha ng pera pampa-opera kay nanay kuya?" Namumugto ang mga mata ko habang tinignan siya. Oo, inaamin ko. Sobra akong nanlumo sa halagang sinabi ng doktor kanina. Saan ako kukuha ng pera na ganoon kalaki? Saan ko hahanapin ang ganoong halagang pera lalo pa at kakapasok ko lang bilang sekretarya. Ni 1/4 na pera sa halagang 'yon ay wala ako. Paano ko mapapagaling ang nanay? Saan ako hahanap ng pera? "Ilan ba ang kailangan?" Napalunok ng laway si kuya. Halata 'yon dahil sa paggalaw ng kanyang lalamunan. "Labing-limang daan kuya. Sapat na raw 'yon para pagalingin si nanay. " Kitang-kita ko sa reaksyon ni kuya ang gulat. Oo, pati ako nagulat rin nang marinig ang katatagang 'yon. Pero ano pa ba ang magagawa namin? Wala kaming ibang pagpipilian kung hindi ang gumaling si nanay. Hindi kaagad nakapagsalita si kuya. Siguro iniisip na rin niya ngayon kung saan kami kukuha ng pera na ganoon kalaki ang halaga. Siguro iniisip niya rin kung kaya ba namin 'yong hanapin. Nang kami lang. I wish papa is here now. E, hindi sana may matatakbuhan kami. But we should stand with our own feet. Kailangan naming bumangon at lumaban alang-alang sa paggaling ni nanay. Pero paano? "Hahanap tayo ng paraan. Don't worry. Gagaling rin si nanay. Sa ngayon, umuwi ka muna at magpahinga. Hindi ka dapat nagpaliban ng araw sa trabaho lalo na at nasa gitna tayo ng problema. Magpahinga ka para bukas, babalik ka na sa trabaho. Hahanap ako ng paraan para mapagamot si nanay," niyakap ako ni kuya. Kahit papaano ay may kuya pa akong matatakbuhan. Bukod sa mga bata kong kapatid, nandito si kuya na handang alalayan ako. Siya ang nagsilbing ama sa pamilya nami nang magkasakit si nanay. "Sige kuya. Ikaw na ang bahala kay mama. Oo pala, ito ang number ko. Tawagan mo ako kapag may problema," kinuha ko ang phone na binili ni Mr. Montemayor sa akin kahapon. I find my number saka iyon inilahad kay kuya. "Ang mahal niyan, ah? Saan ka kumuha ng pera pambili niyan? " Si kuya na halatang nagulat sa phone na hawak-hawak ko ngayon. "Binili ng boss ko kahapon nang malaman niyang wala akong telepono. Mahalaga ang komunikasyon sa trabaho ko ngayon kuya kaya hayaan mo na." Hindi na nagsalita si kuya. Noon kasi, palagi kong dinadahilan ang kahirap kaya hindi ako nakakabili ng mga gamit na tulad nito. Palagi akong gipit aa budget. Kaya siguro ganoon na lang ang gulat ni kuya nang makitang may phone na ako lalo na't noon pa man ay ayaw kong bumili ng ganitong gamit. Imbes na bumili ng gadget ay sa maintainance na gamot na lang ni mama ang binibili ko. I left kuya alone in the room. Marahan ang bawat hakbang ko palabas sa hospital lalo na't inaantok pa ako. Madaling araw na ako nakatulog kanina sa kakabantay kay mama. I can imagine my looks now. I can imagine how my face my look. Siguro sobra na akong hagard. Namumugto pa ang aking mga mata. Tuluyan na sana akong lalabas sa lobby nitong hospital nang naramdaman ko ang malamig na kamay na pumapalupot sa aking braso. Nagulat kaagad ako roon kaya kaagad ko 'yong itinakwil. I quickly turn my vision towards this person in my back. "Mr. Montemayor?" I said shockingly. Nagulat ako sa presensya ni Mr. Montemayor ngayon sa harapan ko. Paano niya nalamang nandito ako? Paano niya nalaman ang nangyari? Paano niya natunton ang kinaroroonan ko? "Sorry. Nagulat kita. Are you okay?" Halata sa boses niya ang pag-alala. "Pa-paano ka nakapunta rito? I mean, how did you---" "One of my staff said. Hinintay kitang dumating kanina. Are you okay?" For the second time, he asked me again. Am I okay? Tumango ako. Hindi ko alam kung sinong staff ang tinutukoy niya gayong wala naman akong close sa staff sa kompanya niya. Well, hindi na importante 'yon. All I want to know is the purpose why he's here. Ano ang ginagawa niya rito? Gusto niya ba akong papasukin sa trabaho? May emergency meeting ba kaya siya narito para kukunin ako? "You're not okay," hinawakan niya ang kaliwang kamay ko na halatang sa parking lot ang punta namin ngayon. Gusto ko na sanang pigilan siya pero wala akong sapat na lakas para gawin 'yon. He did it forcefully. "Si-sir. May emergency meeting ba?" Bungad kong tanong nang tuluyan na kaming makapasok sa kanyang kotse. I am now sitting beside him. "I told you to stop calling me " Sir" when we're out from work," inikot niya ang susi saka pinaandar ang makina ng kotse. He didn't look ay my face. Nagsimula na rin akong suklayin ang buhok ko gamit ang aking mga daliri dahil alam kong sa mga oras na ito ay sobrang gulo na nitong buhok ko. Umusad na ang sasakyan. Ilang beses ko siyang tiningnan ako sa rear view mirror ng sasakyan. I just ignore his looks. Sa ngayon ay gusto ko na rin na umuwi at magpahinga na muna. To get my strength back. Nang makarating sa tapat ng bahay ay nagtataka ako nang hindi niya kaagad binuksan ang pinto. I look at his face pero hindi niya ako binalingan ng tingin. Sa daanan pa rin ito nakatuon kahit pa nakahinto na ang sasakyan. "I have an offer for you," he said in a cold tone voice. Hindi ko alam kung bakit hindi siya makatingin sa akin na animo'y may katatagang namumuo sa kanyang lalamunan na nahihirapan siyang bitawan. Hindi ako sumagot. I just wait for his next statement. "You're looking for money right? Your mother needs an urgent operation," paypapatuloy nito. Hindi pa man niya sinabi ang alok niya pero alam kong tungkol ito sa pera. How did he know everything? O sadyang madali lang akong basahin? Siguro nakikita niya sa mga mata ko ang problemang meron ako ngayon. Ganoon naman talaga ang problema ng mga mahihirapan kapag nasa gitna pagsubok, ang pera. Siguro alam na niya 'yon. "Be my girl and I'll provide your mother's operation, Miss Bartolome." Hindi ko magawang kumurap sa sa narinig mula kay Mr. Montemayor. Naghahalo ang kaba at kakaibang pakiramdam sa sistema ko. Umiwas ako ng tingin. Lalo na nang ilipat niya ang atensyon niya sa akin. Namumuo sa mga mata ni Mr. Montemayor ang kakaibang emosyon na hindi ko pa nakita nitong nagdaang araw. He swallowed his own saliva. "Think it wisely. Your mother is at risk," pagpapatuloy nito saka binuksan ang kotse. Siya mismo ang nagtulak doon para sa akin. I slowly step out from his car. Lumabas ako sa sasakyan niya dala ang kaba. Kaba dahil sa alok niyang 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD