CHAPTER 1

1063 Words
Chapter 1: HeadAche CHIMENEYA's P.O.V "Anong sakit mo?" Tanong ko sa pasyente kong nakaupo sa harapan ko na parang nagpaputok sa bagong taon! Grabe mga bruh hirap mag pigil ng hininga dahil sa sobrang lakas ng putok niya ugh! "Pakiramdam ko po kasi may mali sa pang amoy ko doctora. Di napo ako nakaka-langhap ng sariwang hangin eh." "Paano ka makakalanghap ng sariwang hangin kung putok mo ang naaamoy mo." "Ano po?" "A-ahh este... Ganitong gawin mo ah? Para bumalik yong pang amoy mo maligo ka ng tatlong beses sa isang araw sa tubig na binabaran ng sampung kilong tawas! Sigurado ko babalik ulit yung pang amoy mo!" "Talaga po doctora? Salamat po!" "Sige! Pakasaya ka! Sana pagbalik mo mabango kana!" sabi ko saka ko napabuntong hininga ng lumabas yong isang pasyente ko. Jusmiyo akala ko mamamatay ako ng maaga eh, nang mapasilip ako sa pinto ay nakita ko ang isang lalaking papasok at umupo sa harapan ko. "Ano namang problema mo?" sabi ko dito nakita kong napalabi ito saka nagsalita. "Doctora para pong may mali sa panlasa ko eh." sabi nya! Waaah! Help meh! Ang baho ng hininga mga pre!  "Paanong di magbabago panlasa mo puro tartar yong dila't ngipin mo!" "Ano po?" "Ah este, sabi ko ganito gawin mo... Bawat pagkain mo sa isang araw imumog mo itong listerine! Tapos yong colgate na 'to papakin mo okay lang din kung kainin mo este. Magtoothbrush ka ng limang beses sa isang araw para bumalik sa dati ang panlasa mo at hindi puro tartar yung nakakain mo." Sabi ko saka pinalayas ang lalaking 'yun! Wala ba akong matinong pasyente ngayon?! Lahat yata may sapi ng masasamang amoy eh! Nanununtok yong amoy nila di ako maka hinga! Nang makita kong pumasok ang lalaking maitim ay nanlaki ang mata ko! Hala?! May uling pala talagang nabubuhay eh noh? "Anong atin?" Sabi ko nakita kong umiiyak na ito saka tinaas yong towel na puti. "Doctora... May skin allergy po yata ako! Tingnan nyo po oh yung kulay ko kumukupas na." Sabi ng lalaki saka pinahid yong towel sa braso niya at para ngang kumupas yong kulay nya dahil nangitim talaga yong towel! Hala ka?! "I-ilang beses ka ba maligo sa isang araw?" tanong ko sa kanya nakita ko namang napaisip sya. "Isang beses po sa isang taon." sabi nya, muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. Kaya naman pala maitim ang isang 'to! Nag-iipon pala ng libag sa katawan ang isang 'to! "Gusto mong bumalik sa dati sng kulay mo? Itong pangkayod at saka maligo ka sa chlorine araw araw para mamuti ka naman!" Sabi ko saka ko siya pinalabas ng opisina ko. Nakita ko namang pumasok ang isang pasyente ko na malungkot ang mukha. "Anong meron?" tanong ko, nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo saka umiyak. "D-doctora! Y-yung bayag ko ho nangingitim na! P-paano po babalik sa normal yong kulay?" sabi nito kaya gusto kong matawa! Ang laki ng problema nya nakuuu! "Patingin nga ako!" sabi ko saka siya naghubad ng shorts at halos lumuwa ang mata ko di dahil sa laki ng alaga nya! "Jutay naman pala." sabi ko nakita kong kumunot ang noo niya. "Ano po?" "W-wala... Nangingitim nga ano? Ganitong gawin mo para bumalik ang dating kulay nyan pitikin mo lang ng pitikin." "Ay oo nga noh?! Ngayon ko lang naisip yon salamat doc!" sabi niya saka lumabas ng opisina ko. Tumayo na ako saka nagbanat ng buto. "Mga abnormal yata mga pasyente ko ngayon, kung hindi lalaking may putok, lalaking may badbreath, lalaking libagin at lalaking jutay, Ahhh! Ang sakit ng ulo ko akala ko pa naman matinong tao ang makakasalamuha ko ngayon." usal ko saka tinanggal ang coat ko ng saka ko lumabas ng opisina matapos kong ayusin ang gamit ko ng makita ko ang isang bulto ng lalaking nakatayo sa tapat ng opisina ko! Nakalimutan kong simula nga pala nang makasal ako sa tatlong damuho eh nakakasama ko na sa hospital si Spring dahil isa din syang Doctor. Habang si Summer naman ay Business Man at si Storm naman ay Civil Engineer. "Uyy, hinihintay mo ba ko Spring?" nakangising usal ko at nakita ko namang seryoso lang syang tumingin sakin saka ko tinalikuran at naglakad kaya hinahabol ko siya! "Hoy, kinakausap kita bastos ka talaga eh!" sabi ko sa kanya pero di nya ako pinansin kaya dumadami ang kulubot ko sa mukha eh, daig ko pa yong nanay na nag-aalaga ng bata dahil mahirap pala maging asawa lalo na sa tatlong lalaking magkakamukha at hindi ko nga alam kung paano ako naikasal sa kanila eh, siguro dahil na din sa yaman nila kaya sikat silang magka-kambal sa buong mundo kaya di na ako magtataka at kung iniisip nyo kung anong nangyari sa honey moon namin wala mga pre as in wala, pinakaba lang ako ng mga kumag na yun pero mapapasakin din ang kanilang mga yummy abs mwahahaha! Charing Haha! Nalaman ko kasing marami na silang napangasawa pero wala pa isa sa mga yun ang inanakan nila kasi di sila sure sa mga napangasawa nila at kapag naging sure na sila sa akin saka nila ko a-anakan na may tatlong magkakaparehong mukha. *evil-laugh* "Hi Spring, lunch break nyo na?" sabi ng babaeng mukhang pato sa sobrang haba ng nguso nito at nagpakyut pa ang gaga! "Hoy babaeng echoserang frog! Di ka ba marunong mahiya, kasama nya lang naman yung asawa nya at ako yun gets!" sabi ko sa kanya at nakita ko namang sumama ang tingin sa akin ng babae.  "Kung echosera ako ikaw naman assumerang frog! Hindi ako naniniwala na asawa mo si Spring, Summer at Storm dahil sa itsura mong yan imposible dahil ang chaka mo!" sabi niya kaya nagpamewang ako habang si Spring ay nananatiling nakatingin sa amin. "Yan, yan ang napapala ng mga nahuhuli sa balita! At saka anong sabi mo ha chaka, sino ako ba? Sige nga maghanap ka ng babaeng chaka na may tatlong asawang magkakamukha, ako lang yong chaka na tinutukoy mo kaya lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong sipain kita!" sabi ko sa kanya saka siya inambahan. "Stupid, Stop it!" sabi ni Spring kaya napairap ako sa kanya saka naunang naglakad ng marinig ko ang sinabi ni Spring sa babaeng nurse. "Sorry, I know you're trying to flirt with me but please back off. My stupid wife is jealous and I don't want her to feel that she's not the only one for me." sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko hindi dahil sobrang haba ng sinabi nya na bihira lang sa kanya kundi dahil sa mga lumabas sa bibig niyang salita, OMG! A-ano to?  --- To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD