Deal - 2

1503 Words
Hindi siya makatulog. Ito ang unang gabi sa bahay nila ni Aldrich at magkatabi lang ang mga silid nila. Guest room ang ginawa nito pansamantala. Tatlong beses na siyang nagpalipat-lipat ng pwesto sa kama, pero ayaw tumahimik ng isip niya. Yung malamig na tingin ni Aldrich kanina. Yung fact na may lalaki na sa bahay nila simula ngayon. Masyado siyang apektado sa paglipat nito. “Kainis!” Napabuga siya ng hangin at bumangon mula sa pagkakahiga. Binaba niya ang librong hawak. Nagbabasa-basa siya para dalawin na ng antok, pero lalo lang siyang nagising. Gutom siya. At pag gutom siya, hindi talaga siya nakakatulog. Kaunti lang kasi ang kinain niya kanina sa restaurant. Nahihiya siya kay Aldrich. Conscious siya sa bawat kilos niya sa harap nito. Naalala pa niya ang chocolate cake na binili ng Auntie May kanina sa paborito niyang bakeshop. Alam niyang para sa kanya ‘yon. Hanggang ngayon, kahit malapit na ang kasal nito sa Daddy niya, sinusuyo pa rin siya nito. Kinukuha pa rin ang loob niya. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong bahay. Madilim na, tanging ilaw lang sa hallway ang bukas. Nang sulyapan niya ang pintuan ng guest room, napataas ang kilay niya. Paniguradong masarap na ang tulog ni Aldrich sa mga oras na ‘to. “Sino ka ba at bakit ako kailangang mag-adjust sa iyo sa loob ng bahay ko?” mataray niyang bulong, naghalukipkip habang nakatingin sa saradong pinto. Pailing-iling siyang lumakad papunta sa hagdan. Tulog na ang lahat ng kasambahay, kaya siya na lang ang maghahanda ng pagkain para sa sarili. Kaya naman niya, kahit nasanay siyang pinagsisilbihan. Diretso siya sa kusina. Kukuha lang naman siya ng cake sa ref, tapos babalik na agad sa kwarto para kumain doon. Pero pagpasok niya, napatigil siya. Bukas ang pinto ng ref. Maliwanag ang ilaw at tumatama sa likod ng lalaking nakatayo roon. Si Aldrich. Nakaharap ito sa ref, kaya likod at tagiliran lang ang kitang-kita niya. Walang pang-itaas. Tanging jogger pants lang na nakalawlaw ng kaunti sa balakang. Napalunok siya. Hindi siya football fan. Pero kung lahat ng football player ganito ang katawan, maiintindihan na niya kung bakit nagkakandarapa ang mga babae sa bleachers. Malapad ang balikat nito. Ang likod, puno ng muscles na gumagalaw habang dinadampot nito ang bote ng tubig. Hindi yung malaki lang dahil sa gym. Toned. Lean. Athletic. Pag-inat ni Aldrich para kunin ang mas mataas na shelf, umangat ng kaunti ang jogger pants. Doon niya nakita, kitang-kita ang mga ribs nito sa tagiliran. Bawat buto, naka-emboss sa balat. Hindi dahil payat. Kundi dahil wala talagang taba. Tight ang skin sa muscles, tapos may manipis na scar na tumatawid sa pangalawa at pangatlong ribs. Maputla ito sa ilaw ng ref. Parang sugat dati na hindi gumaling nang maayos. Napalunok ulit siya. Ang harsh pakinggan pero… ang hot. Umiinom si Aldrich ng tubig diretso sa bote. Gumagalaw ang Adam’s apple nito pataas-pababa, kasabay ng pagpitik ng muscles sa likod at tagiliran. Kitang-kita kung paano humahatak ang balat sa mga ribs nito tuwing lumulunok. May isang patak ng pawis na dumaloy pababa sa spine nito, nawala sa ilalim ng waistband ng jogger pants. Napalunok siya. Masyadong malalim. Isang segundo lang, nakaisip siya ng kalokohan. Paano kung hawakan niya ang braso nito ngayon? Mainit kaya? Matigas? Paano kung sundan niya yung patak ng pawis gamit ang daliri, mula batok hanggang dun sa… Stop it, Lian. Sinaway niya agad ang sarili sa isip. Kinurot niya nang mariin ang palad para magising. Anong iniisip niya?! Stepbrother niya ‘to. Soon. Anak ‘to ng girlfriend ng Daddy niya. At mas lalong hindi siya ganitong babae. Hindi siya yung tipo na titingin lang sa katawan ng lalaki tapos magpantasya na. At may boyfriend siya. Si Nick. Gwapo si Nick. Varsity player sa San Miguel University. Palaging may ngiti, palaging may oras para sa kanya. Yung tipong hahalikan siya sa noo pagpagod siya. Yung tipong ipagmamalaki siya sa lahat ng kaklase. Tatlong buwan na silang mag-on. Smooth naman ang lahat. Walang away, walang drama. Kaya bakit siya ganito ngayon? Bakit dito sa kusina, habang nakatitig sa likod ni Aldrich, bigla niyang nakakalimutan ang ngiti ni Nick? Napapikit siya nang mariin. Hindi. Mali ito. Niloloko niya na si Nick kahit sa isip lang. Nagbuga siya ng hangin at napayuko. Huminga siya nang malalim. May boyfriend ako. May boyfriend ako. May boyfriend ako. Paulit-ulit niyang bulong sa isip, parang dasal para mawala ang init sa pisngi. Pero kahit anong sabihin niya sa sarili, hindi pa rin maalis sa paningin niya ang scar sa ribs ni Aldrich. Yung V-line na unti-unting nabubuo habang iniinat nito ang braso pataas. Hindi naman kasi kasalanan ng mga mata niya na ang gandang tignan ni Aldrich nang ganito. Shirtless. Walang ka-effort effort lang na nakatayo sa kusina ng bahay nila na parang nagmamay-ari na nito ng buong lugar. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sarili na mag-drool. Hindi pwede. Hindi siya dapat ma-attract dito. Sa lahat ng lalaki, kay Aldrich pa? Yung malamig. Suplado. Na akala mo kung sino, porke gwapo at anak ng bilyonaryong. Biglang bumukas ang pinto ng freezer. Kumuha si Aldrich ng ice tray. Pagliko nito para isara ang ref, doon siya nito nakita. Nagtagpo ang mga mata nila. At doon lang niya nakita ang harap nito. Flat ang tiyan. Eight-pack ata. Tapos yung V-line, pababa sa balakang, nawawala sa ilalim ng waistband ng jogger pants. Napalunok siya habang hindi maiwasang manlaki ang mga mata sa ganda ng tanawin sa harapan niya. Walang gulat sa mukha ni Aldrich. Walang kahihiyan na shirtless ito. Parang normal lang rito na may nakatitig sa katawan nito ng ganito. Proud ito. Well, hindi naman niya ito masisisi. Habang siya naman, namumula ang pisngi. Dahil nahuli siya nito. Kanina pa siya nakatayo roon at nakatitig sa katawan nito. "Stop staring,” malamig na sabi ni Aldrich. Inilapag nito ang bote sa counter. “I—I wasn’t—” nauutal na depensa niya. Hinigpitan niya ang hawak sa doorframe. "I’m just getting cake.” Tumango lang si Aldrich. Kinuha nito ang tubig, sinara ang ref. “I’m just getting cake,” ulit niya. Mas mataas na ang boses, halatang kabado. Dahan-dahan lang ang kilos ni Aldrich. Inilagay nito ang bote ng tubig sa counter. Hindi nagmamadali. Hindi rin lumayo. Sa halip, sumandal ito sa counter, arms crossed sa dibdib. Relax lang. Parang ito ang may-ari ng kusina kahit bahay niya ito. Lumingon si Aldrich sa kanya. Isang tingin lang mula ulo hanggang paa. Mabagal. Walang emosyon. Pero tumigil ang mga mata nito sa suot niyang pantulog. Parang sinusuri nito ang suot niya. Cartoon character ang print nito. Pink si Stitch. Bata ang dating. At wala siyang bra sa loob. Pakiramdam niya hubad siya sa harap ni Aldrich. Napayuko siya agad. Napakagat sa ibabang labi. Wala siyang bra. Ramdam na ramdam niya kung paano dumikit ang manipis na tela sa balat niya. Umiinit ang pisngi niya. Gusto niyang maglaho na lang sa kinatatayuan. Tahimik lang si Aldrich. Tinititigan lang siya. Parang nag-aaral. Parang binibilang kung gaano siya ka-awkward ngayon habang nakatayo sa harapan ng gwapong lalake na may magandang katawan. Habang siya naka terno pajama na parang bata. Magulo ang buhok at kabado pa. "Good evening, princess," Walang emosyong bati nito sa kanya. Nakatingin sa mga mata niya. Princess na para bang nanunuya pa. Bago pa siya makasagot, nagsalita ulit si Aldrich. Lumakad palapit sa kanya. Pakiramdam niya slow motion ang bawat hakbang ni Aldrich palapit sa kanya. Ramdam rin niya na tila huminto ang paghinga niya. Huminto ito sa tapat niya. Isang hakbang ang layo mula sa kanya, pero sapat para maamoy niya ito. Sobrang bango kahit gabi na at matutulog na lang. Sinulyapan ulit ni Aldrich ang pantulog niya. Yung Stitch sa dibdib niya. Tapos dahan-dahan nitong itinaas ang tingin sa mga mata niya. “I don’t like girls in cartoon pajamas,” sabi nito. Malamig. Diretso. “Lingerie. That’s my type.” Parang may bomba na sumabog sa dibdib niya. Namula ang buong mukha niya. Mula pisngi hanggang batok. Hindi niya alam kung dahil sa sinabi nito… o dahil sa paraan ng pagkakasabi. Walang paggalang. Walang pa-cute. Parang fact lang na binabato sa kanya. “A—ano?!” nauutal siya. "Wala kang pakialam sa suot ko! Bahay ko ‘to!” Tumango lang si Aldrich. Walang guilt. Walang paghingi ng tawad. “Your house,” saad nito. Tumingin ito ulit sa pantulpg niya, tapos sa mga mata niya. "But don’t expect me to pretend I like what I see.” Pagkatapos, nagtuloy sa paglalakad palabas ng kusina. Walang lingon. Walang paalam. Parang wala lang ang sinabi. Naiwan siya sa kusina. Nakatulala. "Ang yabang. Ang kapal. Ang…" Bakit ang bilis ng t***k ng puso niya? Kinagat niya ang ibabang labi at napasabunot sa buhok. “Lingerie daw ang type. Sino ka ba sa tingin mo Aldrich Lorenzo?!” bulong niya sa sarili, galit pero may kaba sa boses. "Kainis!" Parang batang saad niya sabay padyak pa sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD