Pain - 4

1757 Words
S I E L O (Sierra's brother) "S-Sierra.." Bulong ko habang pinapasok siya sa emergency room. She's pregnant. Im gonna be an uncle. Masaya ako para sa kapatid ko pero ang nakakapagtaka bakit siya pumunta sa bahay at hinihila hila ng mga tauhan namin? May nangyari ba bago ako dumating? Kanina ko pa tinatawagan si rocco pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Damn it! Where the hell are you rocco?! "Kuya sielo!" Napalingon ako at tumatakbong si gaile. "Gaile." "Nasan si sierra? Anong nangyari?" Napasandal ako sa pader at umiling sa kanya. "Hindi ko alam nadatnan ko na lang na hinihila siya ng mga tauhan namin palabas ng mansion, kung nahuli ako baka nalaglag na ang pamangkin fvck!" Inis kong ginulo ang buhok ko at kumuyom ang mga kamao ko kapag may nangyari lang talaga kay sierra at sa dinadala niya hinding hindi ko mapapatawad si papa at si tita. "W-What? Bakit siya na sa inyo and where is rocco?!" Kunot noong tanong ni gaile sakin. "Tinatawagan ko pero hindi niya sinasagot ang tawag ko" naiiling na sambit ko sa kanya. Napapadyak naman si gaile at naupo na lang. "Kung kailan kailangan siya ni sierra wala naman siya! Walang kwentang asawa!" Galit na sambit ni gaile at hindi na ako kumibo pa. Ilang minuto pa ang hinintay namin bago lumabas ang doctor. "Mr.Villaluna?" Nilapitan ko agad siya. "How is she? Yung pamangkin ko?" Ngumiti naman sakin ang doctor. "Wag na kayong magalala dahil maayos na sila. Nagkaroon lang ng pagdurugo dahil sa stress ang pasyente mas mabuting iiwas muna natin siya sa magpapa stress sa kanya dahil baka sa susunod na pagdurugo niya malaglag na ang bata dahil mahina ang kapit nito mabuti na lang patuloy siyang kumakapit sa ina niya." Tinapik niya ako sa balikat. "Ililipat na siya ng kwarto, maaari niyo na siyang puntahan. Mauuna na ako marami pa akong pasyente." Nakahinga naman ako ng maluwag at nagpasalamat sa doctor bago kami pumasok sa loob kung saan ang silid ni sierra. Napansin ko agad ang kapayatan ng kapatid ko at ang pagiging puyat o pamamaga ng mata dahil siguro sa pagiyak niya kanina. Halatang halata kay sierra na stress siya, dahil na rin sa sinabi ng doctor mabuti na lang mas kumapit ang pamangkin ko sa kanyang ina. Hinaplos ko ang buhok ni sierra at hinalikan ko siya sa noo dahil kahit tulog siya, tumutulo pa rin ang mga luha niya. "Bes, ano bang ginagawa mo? Stress ka daw? Saan? Masaya ka pa ngang ibalita sakin na nagdadalang tao ka bat ngayon ganito aabutan ko?" Naiiyak na tanong ni gaile kay sierra habang natutulog. "Gaile.." Pinunasan ni gaile ang mga luha niya. "Hindi kuya eh! Paano kung hindi lang ito ang mangyari sa kanya?! Nakakainis!" Napabuntong hininga naman ako at hinawakan siya sa balikat. "Ikaw na muna ang bahala kay sierra. May pupuntahan lang ako" Nilingon niya ako at nginitian ko siya. "Uuwi ako sa bahay, may nangyari bago ako dumating at aalamin ko yon" seryosong sambit ko sa kanya. Tumango na lang siya sakin kaya agad agad akong umalis ng hospital at umuwi sa bahay. Naabutan ko pang umiinom si papa sa mini bar ng mansion. "Papa! Anong nangyari? Bakit hinihila hila ng mga tauhan natin si sierra?!" Bungad ko sa kanya. "Kamusta ang pagpunta mo sa italy?" Napakuyom ang mga kamao ko ng hindi niya sinagot ang tanong. "Papa!" "Sielo wag mo akong sigawan" Napailing na lang ako sa kanya. "Sagutin mo ang tanong ko pa! Anong ginagawa dito ni sierra?! Bakit umiiyak siya?! Muntikan silang mapahamak ng pamangkin ko!" Sigaw ko sa kanya. Wala na akong pakialam sa makakarinig sakin! Galit ako dahil sa ginawa nila sa kapatid ko! "Pinalayas ko siya" Natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko atsaka ko siya nilapitan. "Pakiulit nga pa. Pakiulit." "Pinaalis ko siya" Napaatras ako at halos hindi makapaniwala sa kanya. "Pinaalis mo siya?! Pinaalis mo ang sarili mong anak pa?! Anong klaseng magulang ka?!" "Sinabing wag mo akong sigawan!" Sigaw niya at binasag ang basong iniinuman niya. Umiling ako sa kanya. "Hindi na kita kilala pa. Hindi na ikaw yung ama namin na mapagmahal noon." Naiiling na sambit ko sa kanya. At tinalikuran na siya, akmang aalis na ako ng dumating si tita. "Wag mong tutulungan ang kapatid mo sielo kung ayaw mong mawala ang sarili mong negosyo. Hayaan mo siyang magdusa dahil sa katigasan ng ulo niya!" Dinuro ako ni mama at nilapitan niya si papa. Ngumisi ako sa kanya. "You're not my mother para pagsalitaan mo ako ng ganyan. Hindi na ako bata para maging sunud sunuran sa inyo. Gagawin ko kung anong nararapat para sa kapatid ko. Magpasalamat kayo na hindi napahamak ang kapatid ko dahil kung hindi ako mismo magtatakwil sa inyo bilang magulang ko." Seryosong sambit ko sa kanila at umalis ako ng hindi pinapakinggan ang sasabihin nila. Hindi nila pwedeng diktahan ang mga desisyon ko, dahil alam kong kailangan nila ako tch. - S I E R R A "Twinnie!" "T-Twinnie.. M-Masaya a-ako n-na s-sa h-huling p-pagkakataon n-naipagtanggol k-kita.. m-mahal n-na m-mahal k-kita i-ingatan m-mo a-ang sarili--" napaubo na siya ng dugo kaya nataranta ako. "Wag kanang magsalita! Malapit na tayo sa hospital!" Umiiyak na sambit ko sa kanya. Mapait siyang ngumiti sakin at inabot niya ang mukha ko, at pinunasan ang mga luha ko. "M-Magpakatatag k-ka t-tatandaan m-mo w-wala k-kang k-kasalanan d-dito m-maging m-matapang k-ka.. w-wag m-mong h-hahayaan n-na s-saktan k-ka n-nila. P-Pakisabi k-kay p-papa n-na p-patawad.." At unti unti na siyang bumitaw sakin at nakangiti siyang nawalan ng buhay sa harap ko. Unti unti na rin nadurog ang puso ko. Ang karamay ko sa lahat ng bagay Ang nagiisang kakampi ko Ang taong palaging nasa tabi ko Ay wala na Wala na ang kadikit ko sa buhay.. "T-Twinnie.." Niyuyog yog ko siya baka sakaling gumalaw pa siya pero hindi na Hindi na siya muli pang dumilat at gumalaw. Napahagulgol na lang ako habang yakap ang katawan niyang wala nang buhay. "HINDIIIIII! SIARRA!" - "SIARRA!" Napabalikwas ako ng bangon habang sapo sapo ko ang dibdib ko Napatingin ako sa paligid nasa isa akong hospital Napayakap na lang ako sa tuhod ko at doon dumukdok at taimtim na umiyak. Hanggang ngayon naalala ko parin kung paano siya nawalan ng buhay sa harap ko. Kung paano siya ngumiti sakin bago siya unti unting pumikit. Bakit ang unfair ng buhay? Bakit kung kailan may kakampi ako doon siya kukunin? Bakit hindi na lang ako ang nawala? Bakit ang kakambal ko pa na walang ibang ginawa kung hindi intindihin at unawain ako? Bakit siya pa? Sa dinami dami ng tao bakit ang kakambal ko pa? Bakit hindi na lang ang mga masasamang tao ang nawala? Bakit ang nagiisang nagbibigay sakin ng tapang ay siyang nawala? Bakit kailangan ako pa ang magdusa sa kasalanang hindi ko namang ginawa? May galit ba sakin ang langit para pahirapan ako para danasin ko ang lahat ng ito? Ang taong pinagkukuhanan ko ng lakas ng loob ngayon ay wala na. Wala na sa piling ko Ang taong naging sandalan ko, ngayon ay nasa taong mahal na niya. Pwede bang mawala na lang ako para hindi ko na mararanasan ang lahat ng ito? Napasapo na lang ako sa mukha ko, at umiyak lang ng umiyak. "Sierra? Thank god! You're awake!" Bumungad sa pintuan si kuya na halatang puyat pa. "K-Kuya. A-Anong ginagawa k-ko r-rito--" Napahinto ako ng maalala ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay. "Kuya! yung baby ko?! Ayos lang ba siya?!" natataranta kong tanong sa kanya Yung baby ko. Masyado akong nagpabaya bakit ko ba nakalimutan na may makakaramay na pala ako sa buhay? Hindi ko na dadagdagan pa ang mga pasakit ko hindi ko hahayaan na mapahamak siya. "Calm down. The baby is fine.." Mahinahong sagot ni kuya sakin habang hinahagod niya ang likuran ko. Kaya nakahinga nako ng maluwag at napahawak ako sa tyan ko ng maramdaman ko ang umbok, akala ko may nangyari na sa kanya. Hindi ko na kakayanin kung pati siya mawawala sa akin. "Ang sabi ni doc masyado ka daw stress, kaya ka muntikan magkaroon ng miscarriage, masyado daw mahina ang kapit ng bata kaya kung hindi mo iingatan ang sarili mo baka tuluyan ng mawala ang pamangkin ko.." seryosong sambit ni kuya sakin. Napatulala na lang ako sa narinig tama siya baka mawala na ng tuluyan ang baby ko kung magpapabaya ako.. "I-Ilang oras akong tulog?" mahinang tanong ko sa kanya. "Hindi lang oras, kundi isang linggo, isang linggo ka ng natutulog sierra" Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin kay kuya tumango tango naman siya sakin B-Baka tumawag na si rocco sakin. "R-Rocco.." Napabuntong hininga si kuya at hinaplos niya ang buhok ko. "Walang tawag ang asawa mo.." Bagsak balikat akong napatungo. Bakit nga ba nagiisip pakong tatawagan niya ako? Eh baka busy yon sa taong mahal niya lalong lalo na sa anak niya. Huminga ako ng malalim bakit ko nga ba nakalimutan yon? Hindi nako matatawagan ni rocco kasi kasama na niya ang taong mahal niya. Nanatili pa ako sa hospital ng mga ilang araw bago ako nakalabas, dumalaw sakin ang bestfriend kong galing pa sa ibang bansa at nung malaman niya raw na na-hospital ako agad agad siyang umuwi rito para lang kamustahin ako. "Baby sis, gusto mo ba doon ka muna sa condo ko? o sa bahay namin ng ate rianne mo im sure matutuwa yon kapag nandon ka" sambit ni kuya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya. "Hindi na kuya kay Gaile na lang muna ako baka makarating pa kay papa na tinutulungan moko, mawala pa ang pinaghirapan mo" nakangiting sambit ko sa kanya. Napasimangot naman siya kaya pinisil ko ang pisngi niya. "Sige na kuya, ayos lang naman ako. Puntahan muna si Ate Rianne baka nagaantay na sayo ang mag-ina mo" Napabuntong hininga na lang siya at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Okay fine, magiingat ka okay? Dadalawin kana lang namin ni ate rianne mo, masyado kasi siyang nagaalala sayo.." Sambit ni kuya. Napangiti naman ako. Si Ate Rianne ang asawa ni kuya may isa na rin akong pamangkin sa kanya. "Paki-kamusta mo na lang ako kay ate rianne at kay baby sero.." Tumango naman siya sakin at niyakap niya ako tsaka hinalikan sa noo bago niya ako pagbuksan ng pinto. "Gaile ikaw na bahala sa baby sis ko ha?" Paalala ni kuya kay gaile. Ngumiti at nag thumbs up lang si gaile sa kanya bago kami tuluyang umalis. "Bestie sa condo--" hindi ko na siya pinatapos magsalita. "Sa airport tayo dumiretso" putol ko sa sinabi niya. Muntikan pa kaming masubsob sa paghinto niya. "ANO?!" Nanlalaking matang tanong niya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. "W-We're going to italy gaile.." Kahit sa huling pagkakataon masilayan ko muli ang taong mahal ko kahit sa malayo. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD