Ilang araw nakong nakakulong dito pero parang wala parin nangyayari sa kaso ko.
Hindi ko alam kung makakalabas pa ako dito.
Araw araw rin akong dinadalaw ni gaile na may dalang mga pagkain kaya kahit papaano nakakakain naman ako.
Napatingin ako sa picture namin ng kambal ko.
"Twinnie makakalabas pa kaya ako dito?" tanong ko sa kanya at napatawa ako ng mahina.
"Parang hindi ko na kakayanin"
Napapunas ako ng luha ko.
"Ang sabi mo maging matatag ako, ang sabi mo maging matapang ako, pero magiging matatag pa kaya ako at matapang?" mapait akong napangiti at napayakap ako sa picture namin ng kakambal ko.
"Ako ang sinisisi sa pagkamatay mo twinnie mahal na mahal kita kaya paano ko magagawa yon? ni isang lamok o ipis nga hindi ko kayang pumatay. Ikaw pa kaya ang nagiisang kakampi ko noon?"
"Ganito ba kapait ang mundo? Siguro ikaw diyan nagtataray" napatakip nako sa bibig ko para pigilan ang pag-iyak kahit ang totoo wala ng tigil ang mga luha ko.
"Sana matapos na ito para kasing susuko nako hindi ko alam kung sino pa ang kakampi ko"
Napayuko ako at napayakap sa tuhod ko.
"Sana nandito ka sa tabi ko twinnie kasama kong lumaban.." at tuluyan nakong napahagulgol ng iyak..
Hindi ko alam kung may ilalaban pa ba ako?
Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako magiging matibay
Hindi ko alam kung hanggang saan na lang ako
Ayokong sumuko dahil alam kong pagsubok lang ito pero kasi sa bawat araw na dumadaan na nandito ako at nakakulong parang unti unti nakong nanghihina at nawawalan ng pag-asa.
Pati ang anak ko napapabayaan ko na.
Para akong mababaliw sa sakit!
Hindi ko alam kung bakit sakin pa ito nangyayari!
Wala naman talaga akong ginawang mali
Wala naman akong tinapakan na ibang tao.
Bakit ako pa?
Bakit kung kailan nagparaya na ako ito pa ang naging kapalit?
Nagmahal lang naman ako hindi ba?
Nagmahal ako ng tao pero lahat yun hindi sinuklian!
Naging mabuti akong anak sa mga magulang ko
At naging mabuti akong asawa kay rocco
Pero bakit naging ganito ang kapalaran ko?
Siguro nga hindi ako mabuting tao kaya pinaparusahan ako ng ganito
Siguro nga may kasalanan din ako kaya ako nandito
Ang hindi ko pag protekta sa kakambal ko hindi ko man lang siya naipagtanggol.
Ang balang tumama sa kanya ay dapat para sa akin pero siya ang sumalo at nasawi!
Ang torture sa kakambal ko ay dapat para sakin pero hindi!
Siya ang nag panggap na bilang ako para mabuhay ako!
Nabuhay ako pero puro pasakit at pangungutya ng ibang tao ang nararanasan ko!
Sana sinama mo na lang ako twinnie
Sana namatay na lang din ako para hindi ko na maranasan lahat ng ito.
Sana ako na lang ang namatay at hindi na ikaw.
Ilang oras akong umiyak hanggang sa narinig ko ang kalampag ng gate ng selda ko.
Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang galit ng magulang ko.
"P-Papa.. M-Mama.."
Gumapang ako papunta sa gate, at inaabot ko sila pero pandidiri lang ang nakita ko sa kanila.
"Dyan ka nababagay! Isa kang basura sa pamilya! Nakakahiya ka! Wala kaming anak na kriminal!" sambit ni mama.
Napahawak na lang ako sa gate at mapait na ngumiti.
"Hindi ko akalain na magagawa mong traidurin ang sarili mong pamilya" nakaiwas na sambit ni papa.
Tumalikod siya sakin at nakita ko kung paano kumuyom ang kamao niya.
"Paano mo nagawang nakawan ang sarili mong pamilya sierra? At nagawa mo pang patayin ang kakambal mo" sambit muli ni papa.
Nanghina ako bigla sa mga salitang binitawan nila sakin.
Sa bawat salitang naririnig ko galing sa kanila ay unti unti nakong nilalamon ng dilim at wala nakong liwanag na makikita at pagasa na maniniwala sila sa mga sasabihin ko.
"Wala akong kasalanan papa, maniwala kayo sakin" nakayukong sambit ko sa kanila.
"Lahat ng ebidensya na nag tuturo na ikaw ang salarin! Wag mong bilugin ang utak namin!" sigaw ni mama at tinulak niya ang ulo ko gamit ang hintuturo niya.
"Wala akong kasalanan hindi ko magagawa ang mga paratang niyo sakin naging mabuti akong anak at kapatid"
Napatingin ako kay papa na nakatalikod sa akin.
"Papa isa ka sa mga iniidolo ko bukod kay kuya at lolo, naalala mo po ba noon na hindi mo kami pinapadapuan sa lamok? At kapag may nang-aaway samin ng kakambal ko, inaaway mo rin.."
Napasandal ako sa pader at mapait na ngumiti.
"At palagi mo saming sinasabi na 'ang mga prinsesa ng ating pamilya ay inaalagaan' nakakatawang isipin na yun na pala yung huling araw na magiging ama ka para samin.."
Nanatili lang nakatalikod sakin si papa at napansin kong naninginig ang mga kamao niya.
"Hindi mo ba talaga kaya akong ituring na anak papa?" tanong ko sa kanya at mapakla akong natawa.
"Ano pa nga bang aasahan ko mula sayo? Isa nga pala akong basura sa pamilyang ito"
Pinunasan ko ang mga luha ko at muling lumapit sa may gate.
"Kung ako ba namatay papa? Magiging masaya ka kaya? Kung ako ba ang nawala hindi ka na magagalit ng ganyan? Kung ako ba ang namatay at hindi si siarra, hihinahon kana ba?"
Inabot ko si papa pero tinatabig ni mama ang kamay ko.
"Mahal na mahal kita papa, Ikaw lang ang nagiisang ama ko ang tanging iniidolo ko bukod kay lolo at kay kuya, Kung makukulong man ako ng tuluyan, alagaan mo ang sarili mo papa, alagaan mo ang kalusugan mo, alagaan mo ang mga apo mo" huminga ako ng malalim at pinipigilan kong humikbi.
"May isa ka pang apo papa, yung apo mo sakin mahalin mo din siya kahit yung anak ko na lang kahit na hindi na ako.."
Napatakip na ako sa bibig ko at napayuko na lang.
Tumingin ako kay mama
"Mama mahal na mahal ko din kayo. Alagaan niyo din po sana ang sarili niyo.."
Inirapan lang niya ako at sinamaan ng tingin.
"Mabubulok ka sa bilangguan! Halika na honey!"
At naglakad na si mama palayo sa akin.
Tinanaw ko na lang siya at mapait na ngumiti.
Naiwan si papa na nanatili lang sa kinatatayuan niya.
"Pakikamusta na lang ako kay baby lucas papa.."
At tumalikod nako para pumunta sa pwesto ko pero napatigil ako ng makarinig ako nang hikbi
Kaya napalingon ako kay papa.
"P-Papa.."
Narinig kong huminga siya ng malalim at muling humarap sakin, lumapit siya at bigla niya akong hinawakan sa kamay..
"P-Papa.." Naiiyak na tawag ko sa kanya.
Yumuko lang sya at muling tumayo
"Magkita na lang tayo sa korte.."
yun lang sinabi niya at umalis na siya sa harapan ko.
Gulat ang namutawi sakin at napatingin sa kamay ko
May isang picture na nakalagay sa kamay ko
Napatingin ako sa nilakaran ni papa.
"Papa ano to? Bakit mo binigay sakin ito?" mahinang tanong ko at natulala sa larawan na hawak ko.
Isang babae ang nasa larawan at may karga na baby
Luma na ang larawan na ito
Itatago ko na sana sa bulsa ko ng may mapansin akong nakasulat sa likuran ng larawan
'Ito ang first baby natin asawa ko..
-Serra Klein
Sino si Serra?
Sino ang babaeng nasa larawan?
At bakit binigay sa akin ito ni papa?
"Sino itong babaeng ito?"
[Intense Music]
-
T H I R D P E R S O N
Sa kabilang dako naman isang lugar na maingay kung saan mga kriminal ang nakatira.
"Grabe! Gandang babae pa naman tapos kriminal lang pala?"
"Sino ba yan?"
"Pagkakarinig ko, anak mayaman pero ninakawan ang sariling pamilya at pinatay ang kakambal"
"Huh? Isa ba sa mga delafuerte?"
"Tanga! Nagiisang anak lang si mr.rocco delafuerte!"
"Eh?!"
"Oo! Ang tinutukoy ko isang villaluna"
Natigilan ang isang ginang habang nagpapamasahe sa kapwa preso niya ng marinig ang apilyidong hindi niya makakalimutan.
"Iba talaga kapag mayaman, hindi nakukuntento"
"Oo nga! Nako puro pera kasi iniisip! Kaya tignan mo nagiging kriminal! Mapa babae man o lalaki! Tsk!"
Tumayo na ang ginang at maangas niyang nilapitan ang mga naguusap usap sa harapan niya.
"Si B-Boss"
"Sino pinaguusapan niyo?" Tanong niya sa mga ito.
Napayuko naman sila at nagtutulakan kung sino ang sasagot sa kanya.
Nairita naman ang ginang at hinablot niya ang babaeng kanina pa daldal ng daldal.
"Sumagot ka. Sino yung pinaguusapan niyo?!"
"I-Isang Villaluna.. Ang i-isa daw sa kambal nahuli dahil sa salang pagnanakaw at salang pagpatay" kinakabahan na sagot niya rito.
"Villaluna ba kamo?"
Tumango tango naman ito sa kanya kaya pabato niyang binitawan ito.
"Hoy! Ano nanaman bang problema mo tanda?! Kilala mo ba ang mga villaluna?!" Sigaw ng isang babaeng mas bata sa kanya.
"Kapag sinabi ko bang oo, ititikom mo ba yang bibig mo?!"
Tinaasan lang siya nito ng kilay.
"At bakit aber?! Hindi mo ako matatakot tanda tsk. Iba talaga kapag mayaman, kahit gano ka pa kaganda lalabas at lalabas talaga ang tunay na ugali mo! Tsk. Kung ako na lang kasi pinakasalan ni rocco delafuerte edi sana hindi nakakahiya!" Taas kilay na sambit nito.
Uminit naman ang ulo ng ginang at walang pasabing sinuntok niya ito.
"Shut the fvck up iha." Seryosong sambit ng ginang at tila nagulat naman ang mga kasamahan niya sa pageenglish nito.
Ngumisi lang ang babae sa kanya.
"Bakit? Natamaan ka tanda? Kasi parehas kayo ng pinagdaanan. Nakapag asawa ka na nga ng mayaman hindi ka pa nakuntento, pinatay mo pa ang taong kumupkop sayo"
Natigilan ang ginang at nandilim bigla ang paningin niya kaya dinamba niya ang babae at pinaulanan ng suntok habang ang mga kasamahan nila naguumpisa ng magingay para mag cheer sa bawat pusta nila.
"You know nothing b*tch. I know who are you working with" nakangising sambit nito sa babae na nanlaki naman ang mga mata sa kanya.
"Mga police! Boss tama na yan! Mababartolina ka nanaman!"
Hinila na siya ng mga alipores niya para maawat pero hindi pa rin ito nagpapaawat at sinugod niya muli ang babae pero nakarinig sila ng pito kaya lahat sila yumuko at nilagay ang mga kamay sa taas ng ulo.
"May araw ka sakin" bulong ng ginang sa babae na kinabahan naman sa kanya bigla pero pinilit niyang maging matapang.
"Ikaw nanaman nagumpisa ng gulo barcelona! Halika sa bartolina ka na muna!"
Hinila na siya ng pulis papunyang barcelona para doon makulong sa isang maliit at mainit na selda.
"Dyan kana muna! Pasaway talaga!"
Ngumisi lang siya sa pulis na nagkulong sa kanya sa bartolina at iniwan na siya roon ng nagiisa.
Napasandal lang siya sa pader at tinatap ang mga daliri sa sahig.
"Madam."
Napangisi siya ng biglang sumulpot ang lalaking tau-tauhan niya sa loob ng kulungan.
"Ibahin ang plano."
"I know, nabalitaan ko na rin don't worry gagawin ko ang lahat para makatulong"
"Good. Find the real evidence.."
"Masusunod senyora"
Narinig na lang niya ang mga yabag nito palayo sa bartolina kaya napangisi na lang siya habang nakatingala sa kisame.
"Villaluna huh?"
**