-JD's POV- “SHE'S really unprofessional! Ugh! Kung pwede lang talaga manabunot ng kapwa ko doktor, matagal ko ng ginawa!” sigaw na pumukaw sa pamamahinga ko sa garden ng SMMC. Sa tabi ko ang hindi pa nangangalahating ice coffee na 'di ko gusto ang lasa. Nilingon ko yung sumigaw at tama ako ng hula dahil si Addie nga iyon. “Araw araw ko na lang laging kailangan magtimpi!” Addie shouted again that made me laugh. Mukhang nadinig niya ang tawa ko dahil bigla siyang tumahimik. Nahiya ba siyang ituloy ang pag-ra-rant niya ngayong aware na siya sa existence ko doon? I missed those rants that she always threw to me before. Shock and stress absorber niya ako noon at gusto ko pati hanggang ngayon. Nasabi ko na sa kanya na hindi ko balak na papiliin siya. I choose her for the rest of my life becaus