-JD's POV- "UNCLE toys!" sigaw ni Dean nung tumapat kami sa hilera ng claw machines. Iba ibang mga stuff toys yung naroon pero yung pokemon character lang ang tinuturo ni Dean na gusto niyang makuha. Matagal na akong hindi naglalaro noon kaya hindi ko siguradong maibibigay ang gusto ng pamangkin ko. Napatingin ako kay Addie na nakasunod lang sa 'min. Dean invited her when we both escaped the party at the palace. Ang swerte ko dahil pumayag siya agad sa gusto ng pamangkin ko. Sa isang arcade center ko sila naisipang dalhin dahil iyon na lang naman ang bukas ng ganitong oras. Suki din ako dito kaya kilala na ako ng mga staff at gwardya. "Sama ka muna sa kanya para makuha ko yung gusto mo," pakiusap ko kay Dean. Mabilis itong nagpakalong kay Addie at tumayo lang sila sa tabi ko. Sana talaga