KABANATA 12: SANDALI AKONG HINDI nakakibo nang dahil sa sinabi niya. Pareho kaming nakatitig lang sa salamin, nakatitig sa isa’t isa. Bakit ko nga ba nakalimutan iyon? Sa dami ng pwedeng kaligtaan, iyong katotohanan pang hindi kami pwedeng matulog ng magkaibang kwarto! “Hindi ba tayo aalis sa mansyon ninyo?” lakas-loob na tanong ko. “Hindi yata magandang tumira tayo sa mansyon kahit na mag-asawa na tayo.” He gently laugh as his fingers draw circles on my stomache. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na huwag mapaungol sa kiliting hatid ng ginagawa niya sa aking tiyan. “Hindi pa ako nakakahanap ng matitirhang bahay, at gusto ni Mommy na tumira muna tayo sa mansyon kahit hanggang sa manganak ka sa una nating anak,” sagot niya. “A-anak?” kabadong tanong ko. “Wala naman tayong planong ma

