KABANATA 22: MAGKATABI KAMING NATULOG ni Matias sa iisang kama. Unlike yesterday night, siguro’y dahil sa pagod ay napahimbing ang tulog niya habang ako ay hindi mapakali. I don’t know whether it is the fact that we are sharing the same bed, or because of his accusations with me earlier but there’s something more to it. Bandang alas-kwatro yata ng madaling araw, saktong katutulog ko lang ay saka naman ako naalimpungatan nang tumunog ang phone ko. Pupungas-pungas pa ang mga mata kong inabot ang cellphone kong nasa ibabaw ng side table. I quickly tapped the answer button then answered the call. “H-hello?” Maging si Matias ay nagising nang mapansin yatang nagising ako. Agad niya akong kinalabit sa balikat at pabulong na tinanong kung sino. “A-alana! Puntahan mo ako rito sa Bar…” Nagis

