KABANATA 1:

2344 Words
KABANATA 1: GALING AKO SA school nang marinig ang mahinang pag-iyak ni Mama na nagmumula sa kusina. Hindi ko maintindihan kung bakit siya umiiyak. Wala naman kaming problema. Sa pagkakaalam ko ay ayos naman ang trabaho ng Mama ko sa Bar. Ayos din naman ang relasyon niya sa bago niyang boyfriend na si Tito Demetrious… Kaagad akong dumiretso sa kusina para tingnan kung ano ang nangyayari. Naabutan ko roon si Mama at si Tito Demetrious na nag-uusap nang masinsinan habang si Mama ay umiiyak. Kumunot ang noo ko, bakit umiiyak si Mama? May ginawa ba sa kanya si Tito Demetrious. Sumilip pa ako nang husto para makita kung may pasa ba si Mama o kung anong senyales kung sinaktan man siya sa pisikal ngunit wala naman. Papasok na sana ako para malaman pero pinigilan ko ang sarili dahil baka simpleng tampuhan lang… Hindi dapat ako makialam sa usapan ng mga matatanda. “Umalis ka na, kailangan na nating tapusin itong relasyon na ‘to,” ani Mama habang umiiyak. “Lorraine, paano ang bata?” nag-aalalang tanong nito. Tumayo si Mama mula sa pagkakaupo sa upuang yari sa kahoy. “Umalis ka na!” marahas na sigaw niya saka itinulak si Tito. “Baka pwede pa nating pag-usapan ‘to?” Agad akong nagtago nang ipagtulakan ni Mama si Tito Demetrious palabas ng aming bahay. I was just standing there, I couldn’t say a word. Hindi ko maintindihan ang pinag-usapan nila dahil huli na ako. Bakit niya gustong hiwalayan si Tito na ang bait nito at mahal na mahal nila ang isa’t isa? Kahapon lang ay ayos silang dalawa kaya paanong humantong sa ganito? Nang mapalabas ni Mama si Tito ay agad niyang isinara ang pinto at ini-lock iyon. Nagmamakaawa pang kumatok si Tito Demetrious, paulit-ulit. “Mama, ano pong nangyayari?” takang tanong ko. Pagharap sa akin ni Mama ay ang namumugto niyang mga mata ang bumungad sa akin. Mabilis at sunod-sunod na bumagsak ang mga luha nito kasunod ng paghagulgol. “Lorraine, buksan mo ang pinto!” Naririnig ko pang pagkatok ni Tito. “Mama!” Dinaluhan ko siya nang tuluyan siyang mapaupo sa sahig. She cried so hard that I haven’t seen before. Hindi ko alam kung paano aaluhin si Mama, basta niyakap ko na lang siya habang humahagulgol. Wala akong ideya… “N-niloko niya ako! A-akala ko m-mahal niya talaga ako. H-hindi ko akalaing kabit pala ako!” nanginginig at utal-utal na sambit ni Mama. “Mama…” Namuo ang galit ko para kay Tito Demetrious nang malamang ginawa niyang kabit si Mama. Sa limang taon matapos mamatay ang Papa ko, ngayon lang naging masayang muli ang Mama ko at dahil iyon sa relasyon nila. Tutol akong nagkaroon siya ng bago, pero dahil nakikita kong masaya ang Mama ay hinayaan ko na. Kung alam ko lang pala na ganito ang mangyayari, edi sana ay tumutol na ako. Hindi bale nang malungkot ang Mama ko. Ngayon, hindi lang siya malungkot, nasasaktan pa. “Mama, kumain ka na po…” Ilang beses ko nang kinatok ang pinto ng kwarto ni Mama ngunit hindi pa rin siya nagbubukas hanggang ngayon. Kagabi ko pa siya kinukulit pero panay lang ang sabi niyang hayaan muna siya. Buong gabi akong hindi makatulog sa kababantay sa kanya. Kakaiba kung malungkot ang Mama ko. Kagaya noong namatay si Papa, she almost attempted suicide kung hindi ko lang siya pinigilan ay malamang na wala na siya. Natatakot akong ulitin na naman niya. “Hindi ko hahayaang ganito lang! Ipagkakalat ko sa lahat ang ginawa mo sa akin!” narinig kong sigaw ni Mama sa loob ng kwarto. Naalarma ako roon. Mas nilakasan ko na ang pagkatok sa pinto. “Mama!” “Nang dahil sa iyo, nawalan ako ng anak! Iyong walang kamuwang-muwang na bata! Walang hiya ka, Demetrious! Sisirain ko ang pamilya mo!” sigaw ni Mama habang umiiyak. Nawalan ng anak? Ako lang ang anak ni Mama, hindi kaya… Marahas na kinatok ko ang pinto ni Mama, mas malakas! “Mama! Buksan mo ang pinto, Mama!” Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto ng kwarto ni Mama. Kung kahapon ay sobrang stress ng itsura niya, ngayon mas lalo. Halos manghina ako nang makita si Mama na puno ng dugo ang suot niyang bestida. I cried knowing that it was her baby. “M-ma…” Nanginginig na hinawakan ko ang braso ni Mama. “Dadalhin kita sa hospital. Hindi pwedeng ganito Ma…” Ipinikit niya ang kanyang mga mata, halatang dinaing ang sakit na nararamdaman. “T-tawagin mo ang Auntie Thelma mo…” aniya. Nanginginig man, nagmamadali akong tumakbo palabas ng bahay para puntahan si Auntie Thelma na nasa kabilang bahay lamang. Takot na takot ako sa sitwasyon ni Mama ngayon. Paano kung mapahamak siya? Paano kung mawala si Mama? “Auntie! Auntie!” Marahas ang pagkatok ko sa pinto ni Auntie. “Auntie, si Mama po! Si Mama!” Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha. Labis labis ang kaba at nanghihina na talaga. Kaagad rin namang binuksan ni Auntie ang pinto. Halatang nataranta rin ito dahil suot pa ang pantulog niyang lingerie. “Anong nangyari? Nasaan ang Mama mo?” sunod-sunod na tanong niya. “Nandoon po sa bahay. Puno po siya ng dugo, e. Nakunan po yata ang Mama.” Namilog ang mga Mata ni Auntie. “Ay punyeta!” malutong na mura niya kasunod no’n ay ang mabilis naming pagtakbo pabalik sa bahay. Ngunit halos tumalon ang puso ko sa kaba nang makita ang sumunod na nangyari. Even Auntie Thelma stopped running. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid kasunod no’n ang pagbagsak ni Mama na nasa tapat ng pintuan. Pakiramdam ko ay bumagal ang paligid, maging ang sigaw ni Auntie Thelma ay umalingawngaw sa aking tenga. “Lorraine! Kapatid ko! Lorraine!” sigaw ni Auntie Thelma. Mabilis na dumako ang mga mata ko sa kotse na papalayo. Iyong kotseng iyon, tandang-tanda ko kung kanino. Iyon ang kotseng gamit niya sa tuwing sinusundo niya si Mama, sa tuwing magkakasama kami bilang isang pamilya para kumain sa labas. “S-si Tito Demetrious, siya ang pumatay kay Mama!” bulalas ko. Namatay ang Mama, malaki ang kasiguruhan ko kung sino ang pumatay sa kanya. Ngunit kahit na sigurado kami sa kung sino, hindi siya nakulong. Dahil wala kaming sapat na pera, wala kaming kakayahang manipulahin ang batas. Wala kaming kakilalang pwedeng magtanggol sa amin. Nanatiling unknown ang salarin sa loob ng mahabang panahon. At sa mahabang panahon na iyon, ipinangako namin ni Auntie Thelma na gagawin ang lahat para makamit ang hustisyang dapat na matamo ni Mama. Gagantihan ko ang salarin na iyon, kahit hindi gamit ang batas, sa kahit na anong paraan. Masira lamang siya, si Demetrious Ibarra. — “CONGRATULATIONS, PAMANGKIN! Sa wakas at nakapagpatayo ka na rin ng sarili mong garment business.” Sa aming dalawa ng Auntie ko, siya ang pinakamasayang nakapagpatayo na ako ng sarili kong negosyo. Masaya rin ako lalo na at proud na proud sa akin si Auntie. Ipinagmamalaki niya pa nga ako sa mga kaibigan niya! Inirerekomenda niya rin sa mga mayayamang lalaking pumapasok sa Bar. I always tell her not to recommend me because we still have things to do. Saka na lang sabi ko kapag natapos na ang lahat. Ayaw kong masira ang matagal na naming pinaghandaan… “O siya, mamaya pumunta ka sa bar at ililibre kita ng drinks! Magsama ka ng mga kaibigan.” Ngumiti at tumango ako sa kanya kahit na wala naman akong mga kaibigan. Iisa lang ang kaibigan ko at iyon ay si Kim na kasama ko sa pagpapatayo ng sarili kong negosyo. Kasa-kasama ko na siya mula pa noong mga bata kami at magpasa-hanggang ngayon ay siya pa rin. Alas-singko pa lang, umalis na si Auntie papunta sa Bar. Hindi niya talaga kinalimutang sabihan akong pumunta mamaya at magsuot ng maganda para i-celebrate ang achievement ko. Kaagad ko namang tinawagan si Kim at sinabihang magse-celebrate sa bar. She immediately agreed, as always. Palibhasa kasi’y mahilig mag-party itong si Kim kaya kapag sa Bar ang punta ay go kaagad ang sagot. Magsasama pa nga raw siya ng iba pang friends. Hindi ko lang alam kung sino na naman iyon, paiba-iba kasi ang kaibigan niya. Ako lang yata ang tumagal sa kanya. Palibhasa’y maldita. Mag-a-alas nuwebe na nang dumating si Kim suot ang kulay pulang tube dress na hanggang ibabaw lang ng tuhod ang taas. Mataas din ang suot niyang kulay pulang stilleto. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya, halos mamutok ang labi niya sa kulay pula! “Red lady, ikaw ba ‘yan?” natatawang tanong ko. She rolled her eyes then sat down beside me. “Hindi ko napansing pula ang lahat. Ikaw? Bakit ang boring na naman ng suot mo?” Taas ang kilay na sinuyod niya ang suot kong faded skinny jeans at spaghetti strap tops. “Ang dami kong iniregalo sa ‘yong dress, Alana! My gosh, why are you so cheap?” “Ang iiksi naman kasi ng mga binili mo,” pagdadahilan ko. “My gosh, you are so cheap talaga! Isuot mo ‘yon now na!” “Ayaw ko, hindi naman ako sasayaw, iinom lang.” “Isuot mo o hindi ako sasama sa ‘yo? Sigurado akong magtatampo ang Auntie mo sa ‘yo.” Ngumuso ako at wala nang nagawa nang tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at dumiretso sa cabinet ko. Feeling niya’y sa kanya ang cabinet nang walang hiyang binuksan niya iyon at kinalkal ang mga damit na naroon. “Huwag na kasing magpalit, nakakahiyang magsuot ng maiksi…” “My gosh, Alana! Paano mo maaakit iyong matandang hukluban na iyon kung hindi ka sexy magdamit? Kailangang may makikita siya sa balat mo para maakit mo siya!” “What if he tries to touch me?” Umirap si Kim. “Kapag ginawa niya iyon, alam mo na ang dapat gawin. Just beep me up and I’ll run to you!” Natawa na lang ako sa sinabi niya. “Baka busy ka naman…” “Ang dami mong dahilan, magsusuot ka lang ng maganda ayaw mo pa! Edi huwag na, huwag na!” “Sige na, magtatampo ka pa talaga… para iyan lang.” Lumapad ang ngiti sa labi ni Kim at nagmamadaling kinuha iyong nakalagay sa paperbag na damit. Hindi ko pa talaga iyon nagagamit dahil wala naman akong paggagamitan. Anong paggagamitan ko e nananahi lang naman ako noon! At sa tuwing may rest day, nagpapahinga ako hindi kagaya ni Kim na puro gimik ang ginagawa sa tuwing walang pasok. Sinuot ko ang kulay baby pink na chiffon off-shoulder dress. Above the knee lamang ang haba no’n at kitang kita ang legs ko. “Sigurado ka bang ipapasuot mo ito sa akin?” “Sigurado! Tingnan mo nga ang itsura mo, ang ganda mo!” Pinaharap niya ako sa full body length mirror na nasa tabi ng pinto ng kwarto ko at nakita ang sarili. Napangiti ako. “You are beautiful, Alana. You are confident, right? Iyan ang turo sa ‘yo ng Mama mo kaya huwag mong kalilimutan,” aniya. Nagdesisyon akong iyon na nga talaga ang suotin. Kahit medyo naiilang at panay ang pagbaba ko sa maiksi nitong palda, tiniis ko dahil tama nga naman ang sinabi sa akin ni Kim. Kailangan kong masanay sa ganito dahil kailangan kong matutong mang-akit. Pagpasok pa lang sa Bar, sari-saring amoy na ng alak, sigarilyo at pabango ang nalanghap ko. Malakas din at tumatambol sa dibdib ko ang pagbayo ng tugtog. Sanay naman ako sa ganito. Isinasama ako ni Auntie Thelma dito. Sometimes I serve as a waitress lalo na kapag kulang sila or may umalis. Nang makarating kami sa pwesto kung saan naroon ang sinasabi ni Kim mga mga kaibigan niya, inilingkis kaagad ng isang lalaki iyong braso niya sa beywang ni Kim. “Sino ‘yan?” naiilang na bulong ko kay Kim. “Jowa ko! My gosh, kailan ba ako nawalan?” Pinaharap niya ako sa lalaking nakalingkis sa kanya. Maputi ang lalaking ito na para bang papel ang kulay. Gwapo naman siya kaya lang mukhang manyak! “Boyfie, ito nga pala ang best friend kong si Alana. Alana, ito si Alfonso, boyfriend ko.” I smiled at him. “Hello.” Binati ko rin ang ilan niya pang mga kasama; sina Leon, Lilibel, at Rika. Naging okay naman ang inuman namin ng mga kaibigan ni Kim. They are all good to me yet Lilibel and Rika seems plastic. Para bang naiirita pa sila kapag sinasabihan akong maganda. Hindi ko naman kasalanan na mukha silang mga chaka. Gusto ko tuloy’ng itanong si Kim kung saan niya nahanap ang mga ganitong kaibigan! Nang medyo nalalasing na sila ay nag-uumpisa na ang kakulitan ni Kim. Niyaya niyang sumayaw iyong boyfriend niyang si Alfonso. Iyong dalawang babae naman ay nagpaalam din na sasayaw sa dance floor. Naiwan kami ni Leon sa table. At dahil mukha siyang manyak, dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at walang paalam na dumiretso sa bar stool kaharap ang bartender. Alam kong lasing na iyong si Leon lalo na sa namumungay nitong mga mata pero mas alam na alam kong may balak na iyon sa akin. “Whiskey, please?” I asked. “Coming up, Madam Alana!” Mabilis na naglapag naman siya ng baso sa lamesang kaharap ko at sinalinan ng whiskey. “Thanks!” Kilala na ako ng bartender dito. Madalas din kasi akong nakatambay rito noong college at nandito na siya noon. Agad na dinampot ko ang baso at sumisim doon. Gumuhit ang pait sa aking lalamunan kasunod ng paggapang ng init sa aking katawan. Kanina pa ako umiinom at medyo tinatamaan na. This is boring… “You look sexy while sipping on a glass of whiskey…” A baritone voice made me look at the man who sat down beside me. His brown hooded eyes pierced me, those seductive eyes made my heart beats fast. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nag-init ang buo kong katawan dahil sa paraan ng kanyang paninitig…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD