KABANATA 54: UMALIS AKO NG mansyon dahil sa narinig ko mula sa kanya. Hindi niya na rin naman ako binalikan sa kwarto. Hindi ko matanggap ang sakit ng sinabi niya. Ngayon, nasisiguro kong talo na talaga ako. “Gusto ko nang isuko ‘to.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay sinisipsip ko ang lime at asin kasunod ng diretsong paglagok ng tequilla. Kim shook her head while looking at me. “Ilang beses mo na bang sinabi iyan sa akin? Bakit hindi mo na iyan sabihin sa Auntie mo?” she sighed. Siguro’y naiinis na si Kim sa akin dahil paulit-ulit ko na lang sinasabi sa kanya sa tuwing magkikita kami na gusto ko nang isuko ito. Marami na akong dahilan para itigil ang kahibangang paghihiganti. Pero kahit na sabihin ko iyon, hindi ko naman magawa. There’s something that I want to know or something that

