KABANATA 56: MAGHAPON NA INUTOS-UTUSAN lang ni Kim si Matias. Hindi ako nakikiutos dahil ayaw ko pa siyang kausapin pero napapasulyap ako sa tuwing tatayo siya sa kinauupuan niya at susundin ang inuutos ni Kim. Wala naman siyang reklamo. Iyon ay kung hindi niya dinidibdib lang ang reklamo niya. Nakakainis din naman kasi ang mga utos ni Kim. Iyong kaya naman na niyang gawin, inuutos pa! “Pakibuhat naman itong sako papunta roon, Matias! Alam mo, si Alana ang nagbubuhat niyan,” utos na naman ni Kim. Bumaba ang tingin ko sa sako ng mga damit na natapos na naming tahiin. Mayroon kaming cart para ilipat ang mga tahing iyon kaya hindi kami nahihirapan pero mukhang seryoso si Kim na ipabuhat kay Matias. “Kim! Ano ka ba? Ako na–” “Ako na,” putol sa akin ni Matias. Kinalas niya ang unang tatlo

