Chapter 41 "Sinabi mo pala kay Sandro kaya pala habang kumakain tayo namumutla siya," ani ni Bible na natatawa. Nasa veranda si Bible at Keith ng kanilang room. Umiinom ng wine si Keith na nasa kopita habang nakatayo naman si Bible at hinahawi ang buhok habang nakatingin sa napakalaking buwan. Magkadikit lang ang room nina Keith at ganoon din ang veranda nila. Tuwing gabi ay lumalabas doon ang dalawa para magpaantok. Napunta kay Bible ang room na 'yon nong tumuntong siya ng 13 years old dahil nga sa pambata na dekorasyon ng unang room ni Bible at masyado na iyon maliit para sa babae. Tutol doon si Bible noong una dahil maari naman nila palitan ang decoration ng room hindi niya need lumipat. Hindi niya din need ng malaking room pero 'nong nalaman niya na katabi lang ng room ni Kei